_____________
Nagpalabas muli ng mga malalaking bato si Maam Kyra.
Ilang minuto na ang nakalipas ng magsimula kami.
Titingnan nila Maam Kyra at Sir Clark kung saan aabot ang kakayahan ko ngayon. Ngunit sa aking ginagawa ay alam kong hindi pa ito yun. Iwas lang ako ng iwas sa mga batong nilalabas ng remote na hawak ngayon ni Maam Kyra habang si Sir Clark ay binabago ang direksyon ng bato papunta sa akin.
May nilabas kanina si Maam Kyra na remote control na pwedeng magpalabas ng mga kung anu-ano na ginagamit sa training at dahil nga first day pa lang ngayon ay mga madadaling bagay tulad ng mga bato ang pinapalabas ni Maam Kyra.
"Use your power Darimn! Manipulate them! Use your mind!" muling ani ni Maam Kyra sa akin habang ako naman ay panay iwas sa mga ito. Dahil sa abilities ko na makita ang susunod na mangyayari ay panay iwas ang ginagawa ko.
Tumigil ako sa pagtakbo at ilang dipa ang layo namin ni Sir Clark. Hingal na hingal akong tumayo at tiningnan sila. Nakita kong nagtinginan si Sir Clark at Maam Kyra at nagtanguan animo'y nagusap sa isip.
Nakita ko ang pagpindot ng remote control at naglabas iyon ng limang malalaking bato na sing laki ng tao. Hindi ito diretso papunta sa akin ngunit dahil sa abilities ni Sir Clark para itong mga sundalo na humanay-hanay na papunta sa akin.
Imbes na mag panic ay huminga ako ng malalim.
".....Telekinesis can manipulate objects through their mind"
Muli kong naalala ang sinabi ni Sir kanina. Kung yun ang silbi at kaya ng abilities ko magagawa ko din iyon. Hindi ako magkakaroon ng Telekinesis kung hindi ko kayang palawakin ang kakayahan ko.
Muli kong naramdaman ang hapdi ng mata na nangyari noong huli naming pagkaharap ni Callie at dahil wala akong alam kung paano magmanipula ay humapdi lang iyon ng humapdi.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang sunod na gagawin ko?
'Just think what you want to do' Isang di kilalang boses na babae ang narinig ko sa aking isipan.
Parang bumalik ang nangyari noong nasa Agora kami. Ganito din ang boses ng babaeng iyon!
'You can manipulate then do it! Just think what you want and do what you want to do" muli nitong salita sa isipan ko. Ang nakakamangha ay hindi na sumasakit ang ulo ko kapag nakakarinig ng mga boses kagaya niya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Kahit hindi ko siya kilala at kung mapagkakatiwalaan siya ay ginawa ko ang sinabi niya. Dahil malapit na ang mga bato na papunta sa akin ay pinahinto ko iyon.
Tinutok ko ang dalawa kong kamay para mas lumakas ang pwersa ng pagpapatigil ko rin ngunit hindi iyon sapat sa lima imbes na tumigil ay humina lang ang paggalaw nito. Parang slow mo ang nangyari sa limang bato sa harap ko.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...