Lumabas ako ng kwarto ng nakaayos na. Sa pagkakaalam ko may meeting na magaganap ngayon na sinabi kahapon ni Ethan.
Muling bumalik ang alaala ko sa ginawa ni Ethan kagabi. Kinagat ko ang pang ilalim na labi at pinilit na hindi mapangiti sa naalala.
Inalis ko iyon sa aking isip at pumunta kay Amory na as usual nagbabasa na naman ng libro.
"Wala bang sinabi si Eth—este Captain kung anong oras yung meeting?" tanong ko dito.
"Yeah, he didn't say anything yesterday" hindi man lang inangat ni Amory ang tingin niya sa akin at nakatutok pa din sa librong binabasa niya.
"But sa pagkakaalala ko all of us Domus is excuse this day" dagdag pa nito. Kaya pala hindi man lang siya naka uniform ngayon.
"Ganun ba? Papalit na lang siguro muna ako" ani ko dito at tumango lang. Sayang kasi ang uniform kung susuotin ko na hindi naman kami papasok.
Pumasok ulit ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang binigay ni Ezra sa akin na mga damit na bagay daw sa akin.
Napag-alaman ko na kapag walang klase ay pwedeng makalabas ang mga studyante sa academy at makagala sa Meigma. Kung saan nakakabili ng mga magaganda at dekalidad na mga gamit.
Naghanap ako ng damit doon na matatakpan ang buong braso ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din umaalis ang peklat sa braso ko at naging tattoo na ang itsura. Hindi ko din naiisipan na sabihin kay Doc Klein kasi hindi ko ma-timing-an.
I choose the black fitted long sleeve at pinaresan ng high waisted pants. Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang mga tawag doon. Siguro sa connection thingy ko sagot ko sa sarili.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at natulala ako. Kailan ang huli kong kita sa aking sarili at mukhang may nagiba sa mukha ko?
Minsan lang ako nagagandahan sa sarili ko at tuwing lang iyon kapag may bagong damit lang ako na nasusuot pero ngayon na nakatingin ako sa aking repleksyon ay masasabi kong may nagiba talaga sa mukha at katawan ko.
My clothes is hugging my curves. Hinawakan ko ang aking mukha at sinuri ito. Alam kong maputi ako at makinis pero ang tingkad ng balat ko ngayon. Namumula din ang manipis kong labi na maputla dati.
Inalis ko na ang sarili ko sa harap ng salamin ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinatawag na ako ni Jaycee para mag-agahan.
"Lalabas na!" sigaw ko at nagmadaling umalis sa aking kwarto. Nakita ko sila sa kusina at hinihintay ako. Hindi na nila tinawag ang boys dahil nagsarilihang agahan na daw ang mga iyon.
"You look so beautiful Ate Darimn" puri sa akin ni Jaycee na kinangiti ko. Pinuri ko din siya pabalik dahil sa suot niya na napakacute.
"Yung binigay ko ba yan? Omg bagay na bagay sayo! Bibilhan pa kita ng madaming ganyan!" naeexcite na sabi ni Ezra.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...