Katatapos pa lang namin mag-agahan ngayon. Nasa sala si Amory habang nagbabasa ng libro. Si Jaycee naman naliligo habang si Ezra ito inaasar na naman ako habang naghuhugas ng mga pinagkainan.
"Uy! May date sila ngayon ni Marcus" tinusok tusok pa nito ang tagiliran ko.
"Magkikita lang kami hindi date. Ang layo" pagpapaalam ko sa kanya baka nakalimutan niya na kikitain lang ako ni Marcus ngayon.
"Kahit na date pa din yun yieeee! First time mo ba mag date?" tanong nito. Natawa ako sa tanong niya inaalam niya talaga.
"Sa unang tanong hindi yun date at sa ikalawang tanong syempre oo dahil malayo kami sa mataong lugar" sagot ko habang pinatapatuyo ang kamay ko. Nagtungo na kami sa sala kung nasaan si Amory.
"Talaga? Magkakapareho pala tayo ni Amory wala pa samin nag-aaya ng date pero si Jaycee ewan ko sa babaeng yun..." ani ni Ezra.
"Siya nga yung mas bata sa atin siya pa yung may jowa. Unfair ng buhay." tinapon pa nito sa mesa na nasa tapat ng upuan ang kapirasong papel na napulot niya kung saan.
Oo nga no? Si Jaycee at Caelan pala matagal ng mag kasintahan at kitang-kita naman yun sa dalawa. Ang saya lang.
"Lot of people can't get a fairness Ez. It's normal." seryosong sabi ni Amory na nakaharap pa rin sa libro niya.
"Nga pala late na dumating kagabi yung boys saka hindi ko nakita si Captain, Zane at Aiden. Ano kayang nangyari?" paglilipat ng usapan ni Ezra.
Sinara ni Amory ang libro na binabasa niya.
"Nakita ko umuwi sila Captain mga maguumaga na. Hindi ko na din natanong kung bakit natagalan sila at nahuli kila Caelan." singit ni Jaycee palabas ng kwarto niya habang pinapatuyo ang kanyang buhok.
"Yeah, I heard it too. I'm wondering kung anong nangyari." ani ni Amory. Umupo sa tabi ko si Jaycee.
"By the way, yung balita na sasabihin ko sainyo nung nakaraan di ko pa sinasabi." muling ani ni Amory. Nangunot ang noo ito ba yung nabalitaan niya?
"Oh! Ako rin may nalaman din ako" tinaas pa ni Jaycee ang kamay niya.
"Mukhang private meeting natin to ah may nalaman din ako" ngumiti ng nakakaloko si Ezra.
Naging seryoso kami sa oras na iyon.
"As I said, it's a news at narinig ko lang to sa nakakataas sa academy but it's quite alarming since it's about creatures na matagal ng wala sa mundong to. The cyclops and gigantes is rising again. Nagigising na daw sila and wala pang nakakaalam kung saan sila makikita." ani ni Amory. Lumaki ang mata ni Jaycee sa sinabi ni Amory.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...