CHAPTER 53

454 15 28
                                    


EZRA POV


"Anong gagawin natin?" bulong na tanong ni Isaac sa akin habang nakatayo kami malapit sa kinauupuan nila Jaycee at nung ginang.


"Misis, wala na po kayong nararamdaman na masakit?" tanong ni Jaycee sa ginang pagkatapos nitong painumin ng pampakalma at pampawala ng sakit ng katawan.


Jaycee always brought a medicine everytime na umaalis kami dahil kung may mangyari man daw na masama ay may first aid kit siya at dahil na rin sa laki ng espasyo ng bag niya kahit maliit iyon.


Ewan ko ba sa babaeng yan. Noong una pinigilan namin siyang bumili ng ganoong sling bag dahil ang mahal mahal pero ito pa lang babae na ito ay nagpabili sa daddy niya para hindi raw sayang sa allowance niya.


"Yung mga anak ko....." naiiyak na sabi ng ginang kay Jaycee.


Tiningnan naman kami ni Jaycee na mukhang humihingi ng tulong sa amin kung paano sabihin sa ginang ang nangyayari.


"Uhmm.....ma'am..." pauna kong sabi sa ginang at nilapitan sila.


Tiningnan ako ng ginang at hinintay akong makaupo.


"Naalala niyo po ba yung time na nakuha po anak niyo?" mahinahon kong tanong sa ginang.


Nagsimulang maluha ang ginang sa amin na agad naman dinaluhan ni Jaycee.


"Nakita ko na lang na kinuha ng tatlong nilalang ang mga anak ko at mga kalaro nila. Nung narinig ko ang mga sigaw nila agad kong lumabas tapos bigla na lang nila akong sinuntok at pinatulog. Ayun, hindi ko na alam ang nangyari kung saan sila dinala? Ano gagawin nila sa mga anak? Kung bakil sila kinuha?" pinakalma na siya ni Jaycee bago pa man kung ano ang mangyari.


Mabuti na lang mabisa ang pinainom sa kanya ni Jaycee na pampakalma.


"Okay na po. We're here to save your kids po. May mga kasama po kami na hinahanap po ang mga anak niyo no matter what. Let's pray for the graceness of the gods and godesses to save them without a harm." pagpapakalma ko sa ginang.


"Dapat pala nag-ingat na kami at nakasiguro na hindi makukuha ang mga anak ko." naiiyak na sabi ng ginang.


Nagtinginan kami nila Jaycee at Isaac sa sinabi ng ginang.


"Bakit po? Marami na po ba ang nabiktima?" tanong ni Isaac sa ginang na mukhang nabahala sa sinabi nito.


"Bali-balita sa mga loob-looban sa Kentro ang pagkawala ng mga bata lalo na ang mga batang kalsada. Yung mga batang nawalan ng mga magulang o inabandona. Nasabi na hinahanap na raw ang mga taong nasa likod nun yun pala ay isa silang mga masasamang nilalang" sagot ng ginang at pinigilan na maiyak ulit.


"Narinig ko rin na inaalay ang mga bata sa mga diyos para raw parusahan ang mga batang iyon ngunit hindi ako naniniwala dahil mabubuti ang mga anak ko. Wala silang kasalanan para parusahan ng mga diyos at diyosa" dagdag niya pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now