Darimn POV
Lakad takbo ang ginawa namin para makababa sa building ng classroom. Hindi ko alam kung saan papunta si Brylee at sinusundan lang namin siya ni Dorothy.
Nasa baba na kami at panay lingon si Brylee.
"Teka lang! Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi man lang sinabi nung lalaki kung saan tayo?" pagtigil ni Dorothy sa paglalakad.
"Let's just wait here. Baka tinawagan niya din sila Lavigne and Marcus" seryosong sabi ni Brylee na tinitingnan ang paligid.
Tumingin din ako sa paligid para hanapin sila Marcus. Dapat kasi tinanong muna namin yung lalaki kung saan kami pupunta edi sana hindi na kami maghihintay. Sa tingin palang nakakatakot na ang nagpapahanap sa amin.
"You're here too?" humarap ako para makita kung sino ang nagsalita. Si Lavigne pala. Galing sila sa kabilang daan kung saan papunta sa classroom nila.
Sa pagkakaalam ko halo-halo na ang kasali sa klase nila. Basta pag madali ka na mag graduate ay tinatawag ang klase nila na Heiden.
"Saan ba daw tayo pinapapunta?" tanong ni Dorothy na naka kunot ang noo.
"You didn't know too?" tanong ni Marcus.
"Sa tingin mo hahanapin at hihintayin namin kayong dalawa kung alam namin kung saan papunta? Ha?" nasa tono ng iritasyon ang pagkakasabi ni Dorothy.
Nakita ko ang pagtingin sa baba ni Lavigne na nakikinig sa gilid. Tinaasan ni Marcus ng kilay si Dorothy na kinalaki ng mata niya.
"Anak ng--"
"Nawala ata sa isip niyo na pinapatawag ko kayo" isang malamig na boses ang narinig namin na sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin. Nangatal ang katawan ko sa lamig ng hangin na dumapo sa balat ko. Anong oras pa lang.
"Princess" yumuko si Brylee pagkatapos sambitin iyon. Teka? Si Callie?
Dali-dali akong tumingin kung nasaan siya at nakita ko na nasa malaking espasyo siya sa harap ng building namin.
Yumuko ako bilang paggalang sa kanya. Kahit hindi ko makita ang mukha niya sa kanyang suot ay alam ko na siya iyon dahil sa boses at presensya niya.
"Your test that we have in Agora is not the whole test that I've prepared to you" kahit sa lagwat ng distansya namin ay rinig na rinig mo ang boses niya.
Test? Hindi pa ba iyon?
"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Lavigne.
Lumakad siya papunta sa amin.
"That's only an easy round five special students" ani nito. Umabante ng lakad sila Dorothy at Marcus habang nilabas naman ni Lavigne ang armas niya.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...