Isang malakas na tunog ang nanggaling sa loob ng Dimension Dome.
"Feeling ko talaga hindi tayo mamamatay sa mga creatures kundi sa kaba" ani ni Amor na nakahawak sa dibdib dahil sa pagkagulat.
Kani-kanina lang ang pagsunod sunod na pagsabog sa loob ng Dome na lagi namin kinakabigla.
Tumataas na rin ang tensyon hindi lang sa loob ng Dome kundi na rin sa labas. Mas naging seryoso kaming nanonood ngunit ang mga ibang studyante na nakapaligid sa Agora at ang mga Domus at Arryn ay parang wala lang sakanila ang mga nangyayari.
"10 minutes passed. You only have 20 minutes remaining" anunsyo ni Miss Kyra na galing sa operating room sa Agora para makita ang nagaganap sa loob.
10 minutes na noong pumasok sila sa Dome at nagsimulang sumabog sa loob mukhang malalakas at makapangyarihan ang mga freshmen.
Muling nagsimulang kaming makarinig ng pagsabog ngunit ngayon ay sunod sunod na.
Saan ba sila napunta? Sa gubat ba?
Isang malaking tunog ang nagpakaba sa amin. Mukhang galing sa malaking halimaw ang narinig namin.
"Patay! Di kaya sa--" hindi na natuloy ay sasabihin ni Amor ng magkaroon ng bitak ang Dome na kina alarma naming seniors.
Nilibot ko ang paningin ko para makita kung ano ang gagawin nila. Ang mga nakapaligid na Tierra ay halatang nangangamba pati na rin ang Domus at Arryn. Hindi ko makita ang Dean at Principal sila ang kailangan ngayon bakit wala sila rito?
"Calm down students outside walang makakalabas na creatures sa Dome" pagaanunsyo muli ni Miss Kyra.
Seryoso? Walang makakalabas nagkakabitak na nga ang dome! nagaalalang sabi ng isip ko. Wala naman akong magagawa dahil isa lang akong studyante dito.
Nahagip ng aking mata ang nakangiting nakakaloko si Callie. Ni hindi man lang gumalaw mula kanina ng magkaroon ng malaking pagsabog.
"If you panic freshmen hindi kayo makakaabot sa safe spot na kailangan niyong hanapin" muli naming dinig kay Miss Kyra. Mukhang pati ang freshmen ay nagpapanic din kagaya namin.
"You only have 10 minutes remaining you can now find the safe spot" pag aanunsyo ni Miss Kyra kasunod noon ang sunod-sunod na ingay mula sa halimaw sa loob.
Sunod-sunod na dagundong ang narinig sa loob na pati sa labas ng dome ay ramdam namin.
"What the fudge! Freshmen lang sila!" sigaw ng babae sa harap namin na parang sinasabihan ang mga tauhan sa academy.
Nakita kong tumayo ang leader ng Arryn at lumakad patungo sa operating room kung nasaan ang mga guro na si Sir Charles, Miss Kyra, Miss Phereah at Sir Marcus.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...