CHAPTER 40

267 16 0
                                    


Ibang klase naman pala tong si Maam Phanta may pagka abnormal din. She just ordered her assistant fairy to excuse me from my class. Batas.


Sa pagkakatanda ko ngayon ang duel nila Amory at Ezra pati na din nung isa pang classmate namin. Sayang di ko sila mapapanood.


"Since gusto mong malaman ang connection chain dun muna tayo magfo-focus" nakangiti nitong sabi sa akin. Napansin ko kay Maam na may pagka childish at masyado siyang bata magisip katulad namin.


"Connection chain has a three stages or should I say three kinds" may kinuha siyang maliit na kahoy na nagmukhang wand. Inikot-ikot iyon ni Maam at may lumabas na puting usok. Pumorma iyon ng pabilog sa harap ko at may lumabas na imahe.


"First is the invisible chain..." may aninong nagproject sa usok. May lumabas sa kamay ng anino ang anim na transparent chain. Ang lima ay galing sa dulo ng daliri at ang isa ay nasa gitna ng palad.


"Invisible chain, obviously it's invisible kaya mong patayin ang kalaban ng hindi nila nalalaman. Like example, ako ang kalaban mo then you aim the connection chain to my head. Hindi ko iyon makikita and if it hits me I will be cut or hit by your invisible chain and I will be dead" paliwanag ni Maam. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ibang klase may ganoon pala?


"Also you can use the invisible chain to feel the other's feelings by connecting the chain through their hearts. You can use the invisible chain also to know what others are thinking by connecting the chain through their mind. Is it amazing?" namamanghang sabi ni Maam. Imbes na matuwa ay kinabahan ako sa pinagsasabi ni Maam.


"That's the use of invisible connection chain. Next one, is the connection chain" pinaikot muli ni Maam ang wand niya at umiba ang chain na hawak hawak ng anino. Naging actual chain na iyon na gawa sa metal.


"The interesting part to the connection chain is that it absorbs and uses your abilities by itself" nakangiti si Maam na nakatingin sa akin.


"Since telekinesis and sight is your abilities it can move by itself. Malalaman ng chain mo ang susunod na mangyayari kaya pwede ka nitong protektahan at kaya niyang lumaban kahit hindi mo na kontrolin iyon because you also have telekinesis. That's so interesting" ewan ko dito kay Maam pero para siyang kinikilig habang sinasabi niya iyon.


"Kaya nitong magiba iba ng shape, size, length and to it's sharp. Nakikita mo ba ang pinakadulo ng chain na iyan?" tinuro ni Maam ang projection na ginawa niya sa usok.


"Pwede yan magiba iba. It can be a form of knife, needle, sword and anything." nakita ko ang pagiba iba ng dulo ng chain habang sinasabi iyon ni Maam. Kaunti na lang bubuka na ang bibig ko sa pagkamangha.


"And the last is ultra connection chain" nagiba ang atmosphere ng paligid ng sabihin iyon ni Maam. Naging seryoso din ang mukha at boses niya.


"A very dangerous ability and kind of connection chain. It is the mix of invisible and visible connection chains." Mix? Pinagsama yung invisible and visible? Anong dangerous dun?

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now