"Tumakbo ka! Huwag kang lilingon!" maraming boses ang aking naririnig. Sila na naman?
"Habulin siya! Huwag niyong hayaan makatakas" mga walang mukha puro anino. Sino sila?
"Ate kailangan mong mabuhay" isang hinhin na galing sa hangin ang aking narinig. Tumigil ako sa pagtakbo.
Bakit ako tumatakbo? Sino sila? Kailan magkakamukha ang mga anino?
"RUN! Don't ever waste your time! Gawin mo to para sa akin! TUMAKBO KA!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang panaginip.
"Panaginip na naman?"
Kailan ba matatapos ang pagpapakita sakin ng panaginip? Lagi na lang. Lagi nalang panaginip ang gumigising sakin. Mga anino na laging nasa panaginip ko.
Bukas na bintana ang nakita ko sa aking gilid ng kama habang pataas na ang araw. Magsisimula na naman ang panibagong umaga.
"Mag uumaga na" sambit ko sa aking sarili kaya di na ako nag dalawang isip na bumalik uli sa pagtulog atnapagdesisyunan na tumayo na. Inayos ko na ang aking higaan at lumabas na ng aking kwarto.
May dalawang kwarto sa taas, ang kwarto ko at kwarto nila Lolo Julio at Lolang Ven sa baba naman ay kusina at sala. Ang bahay namin ay yari sa puno ng acacia at kinulayan lamang ng kahel na pintura. Simple lang ito at maliit na kasyang-kasya para sa aming tatlo.
Habang pababa sa hagdan na gawa sa kahoy nakarinig ako ng pag uusap mukhang marahil gising na sila Lolo at Lolang.
"Sinasabi ko sayo Julio nararamdaman ko siya" wika ni Lolang na nag aalala. Nagtaka ako kung bakit ganun ang boses ni Lolang
"Ano ka ba wag kang mag isip ng ganyan" pag papa alo ni Lolo
"Pero paano---" naputol ang sasabihin ni Lolang ng maramdaman nila ang presensya ko.
"Darimn, apo gising ka na pala"Bati ni Lolang saken
"Ah oo nga po Lolang eh maaga din po akong natulog kagabi" sagot ko rito at binigyan sila ng halik sa pisngi na lagi kong ginagawa.
"Ah ganun ba teka at maghahanda na ako ng agahan natin"
"Sige po" tumungo na si Lolang sa lutuang gawa sa bato at nagpa apoy gamit ang kahoy habang ako naman ay lumabas ng bahay para maghilamos.
Malapit ako kina Lolo at Lolang dahil na rin sa wala akong ama at ina sila na ang kumupkop sa akin. Ni hindi nila kinwento ang tungkol sakanila. Mabuti na iyon para hindi ako mangulila sa sarili kong mga magulang at kuntento na ako kila Lolo at Lolang.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...