Darimn POV
Mabilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa loob ng kakahuyan. Nasaan ako? Bakit ako nasa kagubatan?
Ilang sandali pa ay na-iba ang paligid. Ito ang akademya. Nasa harap ito ng building ng kwarto namin. Malawak na lupain na pwedeng magpraktis ng kakayahan mo.
Pero bakit narito ako? Ano ang nakita ko kanina? Umalis ba ako? Naglakad ba ako habang tulog?
Nakita ko ang pagbagsak ng kung ano sa kalangitan. Akala ko ay sako lamang. Nilapitan ko iyon at laking gulat ko sa aking nakita.
Tao? Dalawang tao na magkayakap ngunit walang buhay. Sa sobrang gulat ko ay tumakbo ako pabalik sa kwarto namin. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko ngunit gusto kong sumigaw. Gusto kung sumigaw para malaman nila ang nakita ko.
Natigil ako sa pagtakbo ng dalawang pares ng sapatos ang nakita ko sa paanan ko. Tiningala ko siya ngunit hindi mo makita ang mukha niya. Malabo. Kasing labo ng tubig sa putikan.
Hindi ko akalain na nakalapit na siya sa akin at hawak-hawak ako sa leeg. Sinasakal niya ako.
"Tulong!" napabalikwas ako sa pagkakatulog dahil sa panaginip. Umupo ako at sinandal ang sarili ko sa pader sa headboard. Ganito na lang palagi.
Magkakaroon ng panaginip. Matatakot. At sa huli ay hindi na maalala ang mga panaginip.
Panaginip na ang mga tao ay walang mukha. Mga anino at kung hindi naman parang makatotohanan.
Tumingin ako sa labas at nakita ko na hindi pa lumalabas ang haring araw. Tumingin ako sa orasan. Alas kwatro na at mukhang hindi na ako makakabalik sa pagtulog. Ngayon kasi ang simula ng klase.
Bago ako tumulog kahapon ay inayos ko na ang gagamitin ko ngayon. Bukas pa raw kasi ako mabibigyan ng uniform at nabanggit iyon ni Ezra sa akin bago ako pumasok ng kwarto kagabi. Kaya jacket na may pang ulo ang isusuot ko na tinatawag nilang hoodie na kulay gray at paparesan ko ng pantalon at sapatos.
Lumabas ako sa teresa at malamig na hangin ang bumungad sa akin. Wala sa kadahilanang dahilan ay may luhang lumabas sa aking mga mata. Pinahiran ko iyon.
Mukhang namimiss ko sila Lolang at Lolo pero sa puso ko ay may iba pang dahilan sa pagtangis na iyon.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang teresa. Hindi iyon teresa sa sala kundi sa teresa sa silid ng mga lalaki. Nagtaka ako ng walang lumabas doon. Sinawalang bahala ko iyon at pumasok muli sa loob.
Kinuha ko ang tuwalya at damit ko at nagtungo sa banyo para maligo. Magaayos pa ako at maghahanda ng agahan namin.
Matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina. Tiningnan ko ang laman ng ref at nakita ko lamang ang hotdog at itlog. Hinalungkat ko pa ang laman nito at nakita ang bacon, isa yung uri ng karne na manipis kaya mabilis maluto. Kinuha ko iyon at siguro okay na to.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...