CHAPTER 3

257 19 0
                                    


"WHAT THE HELL!"


Malutong na mura ang narinig ko banda sa kabilang dako ng ilog. Namilog ang mata ko 'Halah may tao' patay ako nito nakita niya ba ginawa ko?


"HEY! YOU CAN MOVE THE WATER NA HINDI AKO NABABASA!" sigaw ng tao sa kabilang dako ng ilog


"Paumanhin hindi ko sinasadya di ko naman alam na may tao eh!" Sigaw ko sakanya at baka di niya marinig


"Ahmmm.... may tuwalya ako dito kung gusto mong magpatuyo" paglalahad ko ng tulong dito baka sabihin niya na ako na nakabasa di ko pa siya tutulungan. Walang tugon ang narinig ko mula sakanya


"Uyyy andyan ka pa ba?" halah baka umalis na sayang


"I can fix myself" isang maputi at magandang babae ang tumambad sa aking gilid.


'Paanong......'


"Sorry to startled you nagulat kaba?"


"Aaaah hindi naman.........ang ganda mo..." puri ko dito.


Ang ganda niya. Mahabang buhok at pilik mata nagkukulay abo ang kanyang mata ngunit nakikita ko dito na kakaiba ang mga mata niya. Walang buhay. Perpektong hulma ng ilog at labi at ang mukha nito ay parang nililok ng mabuti ng magaling na iskultor. 


PARA SIYANG DYOSA!


"Ah thank you and thank you for the offer of towel but I can fix myself" pero kinuha niya pa rin ang tuwalya at pinunasan ang kaunting basa sa bandang buhok nito.


Hindi pa ako nakaka move on sa ganda niya. Hala hindi ako maka react.


"Hey are you okay?" tanong nito sakin habang may pag-aalala sa kanyang mukha.


"Ahh oo ayos lang ako ang .......ganda mo kase" nahihiyang sambit ko. Natawa na lang ito sa sinabi ko kahit pagtawa niya ang ganda pati na rin ang tunog. Teka di kaya....


"IKAW BA ANG DIWATA NA NAMAMALAGI DITO?" gulat na tanong ko ng mapagtanto ko ito.


"HAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa niya na konti na lang ay maglupasay siya sa lupa.


Eh? may mali ba sa tanong ko?


Nahimasmasan na siya sa kakatawa pero pinipigilan niya pa rin ang matawa.


"Okay. Tama na." pag aalo niya sa sarili at tiningnan ako.


"Seriously? Me? The fairy of this river? No way sa tingin mo magsusuot ako ng puting bestida with flower crown miss?" pagtatanggi dito at ang mukha nito ay diring-diri.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now