CHAPTER 47

360 23 6
                                    


DARIMN POV


Hindi na ako makaayaw ng hatakin na ako nila Ezra at Jaycee para kumain sa labas pati na din si Amory ay kinaladkad nila.


Pagkatapos kasi namin kausapin sila Braylee at nang umalis na ay dumating naman sila Jaycee na busangot dahil hindi nila naabutan yung Tierra Class 2.


Kaya ang ginawa ni Caelan at Amory ay kinuwento na lang yung pinagusapan namin ngunit hindi nila binanggit ang tungkol sa pag atake na hindi maalala ni Jaycee.


Kaya ito pagkatapos sabihin iyon nila Amory at Caelan ay kinaladkad kami ng dalawa para daw magpalamig.


Kaya nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng ice cream.


"Ay ewan parang hindi miyembro" pagtatampo si Ezra.


Sinamaan siya ng tingin ni Amory at binantaan.


"Manahimik ka nga. Ang bagal niyo kasing maglakad kaya ayan" pagpapatigil sa kanya ni Amory.


Nakita ko ang pag nguso ni Jaycee.


"Si Ezra kasi ang bagal" nakanguso pa ding sabi ni Jaycee.


"Ako pa talaga! Ikaw nga yung chinika pa yung isang fairy ni principal" sabi ni Ezra.


Mas lalong humaba ang nguso ni Jaycee sa sinabing iyon ni Ezra. Mamaya pa daw kasi makukuha kung ano ang gagawin sa selebrasyon sa paparating na Bloody Lunar Eclipse dahil nagme-meeting palang ang mga teacher.


Napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko na may rason si Ezra kung bakit nagtagal sila.


Nakikisakay lang ito sa sa nangyayari.


"Aaay! Mukhang shala ng celebration ng Bloody Lunar Eclipse hindi niyo kinakaya" napatirik na lang ng mata si Amory sa sinabi ni Ezra.


Shala?


Ano yun?


"Shala meaning bongga o sosyal, Ate Darimn" sabi ni Jaycee sa akin na parang nakita ang pagkalito ko sa sinabi ni Ezra.


"Umayos ka kasi ng salita mo Ezra" sita sa kanya ni Amory.


"Ano yung Bloody Lunar Eclipse?" tanong ko sa kanila.


Nagkatinginan sila at nag ngitian.


"You know Selene diba?" pagtatanong ni Ezra. Tumango ako bilang sagot. I know Selene is the goddess of the moon.


"Selene is the goddess of the moon and Bloody Lunar Eclipse is one of the eclipses that happened when Selene is choosing maidens to give them gifts" ani niya.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now