CHAPTER 13

192 15 0
                                    


Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko siya rito at kasama pa ang isa sa mga ginagalangan ng lahat.


Hindi kaya na isa talaga siyang diwata? Ngunit hindi sa ilog na iyon?


Nakatingin pa rin ako kay Callie na naglalakad kasabay ang Diwatang Reyna at Diwatang Cassiopeia.


Nanlaki rin ang mata ng iba ng makita si Callie. Sino ba talaga siya?


Tumigil sa paglalakad si Callie at tumingin sa gawi ko. Ngumiti ito sa akin bilang ganti ay nginitian ko ito.


Mukhang naramdaman ng dalawang diwata na tumigil sa paglakad si Callie at tiningnan siyang nagtataka.


Nginitian lang ito ng dalaga ng muling magsalita si Sir Marcus.


"And last one magbigay galang sa prinsesa ng Evigheden, Callieshia Hawthorne" nagingay ang loob ng Agora sa sinabi ni Sir Marcus.


Nagkatinginan kami nila Dahlia at Amor na namimilog ang mata.


Si Callie at ang prinsesa ay iisa? sigaw na tanong ko sa isipan.


Anong kalokohan to? Napaka! Akala ko isa lang siyang diwata o ano!


PRINCESS?!


Samu't saring reaksyon ang lumabas sa bibig ng nasa loob ng Agora.


'Talagang bumalik na siya'


'Grabe yung pinagbago niya'


'Maganda pa rin naman siya'


'Bali-balita na hindi na naman siya papasok ngayong taon'


'Ang ganda niya'


'Para siyang isa sa mga dyosa'



Nagpatuloy maglakad si Callie o ang prinsesa o diwata basta kung ano man siya!


Kada studyanteng dinadaanan nila ay yumuyuko.


"Imposible yung suki ko ay isang prinsesa" di makapaniwalang saad ni Dahlia.


"Kinikilabutan ako" sabi ni Amor at hinihimas ang kanyang magkabilaang bisig.


Nakaawang pa rin ang aking bibig sa mga natuklasan ko ng magsimulang magsalita muli si Sir Marcus.


"I would like to call princess Callieshia Hawthorne to give a message on behalf of her parents" pagaanunsyo ni sir Marcus na kinatirik ng mata ni Callie.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now