Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko alam kung sa magiging reaksyon ba nila o mga tingin nila dahil lahat sila naghahantay sa sasabihin ko.
Umupo akong muli sa tabi ni Ezra. Kinagat ko muna ang labi ko bago magsalita.
"Basta hindi kayo magagalit. May kaunti kasi akong alam kung bat napunta sa atin tong mission na to" paguumpisa ko.
Nakita ko na parang nabuhayan sila sa sinabi ko.
"Bat mo naman hindi sinabi agad. Malay mo makatulong yun sa atin diba? Edi sana hindi na kami nainis tapos—"
"Manahimik ka nga Isaac!" pagpuputol ni Ezra kay Isaac.
"Sige na Darimn. Huwag mong pansinin ang mokong na yan" baling nito sa akin.
"Tell us lahat ng alam mo. Lahat" natakot ako sa tono ni Ethan ng sabihin niya iyon. Parang alam niya na madami akong tinatago sa kanila.
Kinuha ko ang mission paper namin at tinuro ang numero.
"Student missing number 2. Ikalawa siya sa nawawalang studyante sa academy. Kaya siguro binigay sa atin ang secret mission na yan" tiningnan nila ang tinuro ko na nasa papel.
Nanlaki pa ang bibig ni Isaac sa sinabi ko.
"Ang talino mo Darimn! Sige ipagpatuloy mo!" ani ni Isaac. Binatukan pa siya ni Cano at sinabihan na huwag maingay.
"Ang unang nawawalang studyante ay si Chlarissa Houton kaklase natin. Nawala siya nung isang araw pa at nareport lang kahapon ng umaga. Kaparehas sila ng naranasan ni Adallina naging balisa silang dalawa bago sila nawala" pagsasalita kong muli. Nangunot ang noo nila sa pinagsasabi ko.
"How did you know all of this?" curious na tanong ni Zane.
"Oo nga Ate Darimn" segunda naman ni Jaycee.
"Secret mission ito nila Marcus at Lavigne. Ito ang sinabi nila saakin kahapon at sila din ang kausap ko kanina bago pumunta dito sinabi ko sa kanila na may nawawala pang studyante at hindi lang si Chlarissa." sagot ko.
"Why do you know their secret mission hindi ka naman kasali sa kanila?" supladong tanong ni Ethan.
Tiningnan ko siya.
"Isa ako sa huling nakausap ni Chlarissa bago siya nawala. Tanda mo ba Amory nung tinanong mo ako kung saan ako pupunta at sinabi ko na pinapatawag ako ni Maam Phanta kasama si Chlarissa?" pagpapaalala ko kay Amory. Tumango siya sa akin habang taimtim na nakikinig sa sinasabi ko.
"Iyon ang una at huling pagkikita ko sa kanya nung makabalik kami sa room at nag lunch na ay hindi na siya nakabalik. Hinanap siya ng kaibigan niyang si Blaire hanggang sa maggabi na. Akala niya nakabalik na ito pero nung kinaumagahan ay walang Chlarissa sa kwarto niya at magulong kwarto lamang ang nakita" kwento ko sa kanila.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...