Ezra POV
"Hindi niyo ba tatawagin si Ate Darimn?" tanong ni Jaycee habang umuupo sa upuan sa dining.
"She's not feeling well. Kailangan niyang magpahinga. Tinirhan ko na siya ng pagkain" sagot ni Amory sa kanya.
Tiningnan ko ang pinto ng kwarto ni Darimn. I think hindi pa siya fully comfortable sa amin kaya madami pa siyang hindi kayang sabihin at ishare sa amin. Nauunawaan ko naman yun.
"What's the problem, Ezra?" mukhang napansin ni Amory ang pagkabahala ko.
"Nothing, maybe we should work to our connection as a team lalo na sa team girls ng Domus." paliwanag ko.
"Darating din tayo dyan" hinimas ni Jaycee ang likod ko. Pumasok na sila Aiden at Cano sa dining. Nandito na naman ang mga asungot.
"Uunahan ko na kayo! Kailangan niyong maghugas ng pinggan pagkatapos nito!" paalala ko sa kanila. Magpapaka hari na naman kasi sila tapos bigla-bigla na lang uuwi sa dorm nila. Mga palamunin.
"Oo na Ezra the Amazona! Huwag ka na magalit lumalaki butas ng ilong mo eh" nagtawanan pa sila ni Cano habang umuupo sa upuan. Sinamaan ko siya ng tingin.
Nasa hapag na kami bawal mag away mapapagalitan kami ni Captain.
"Where's the others?" tanong ni Captain at umupo.
"Papasok na si Zane and Caelan" sagot ni Cano kay Captain.
"Si Ate Darimn tulog huwag daw siyang gisingin pagod daw siya" sagot ni Jaycee habang may nginunguya pang pagkain.
Pumasok si Zane at Caelan kaya sabay sabay na kaming kumain. Ilang buwan na din ng kumain kami ng kompleto sa hapag na ito. Nakakamiss lang.
"By the way..." salita ni Captain sa gitna ng pagkain.
"We will go to Sentro tomorrow if you want to come with us just tell me" nagtinginan kami nila Jaycee at Amory.
May naisip ako na magandang plano. Ang talino ko talaga.
"Ayaw namin Captain gusto namin magpahinga diba may papagawa sa atin si Sir Charles at baka hindi sumama si Darimn kaya wag na lang" tiningnan ako ni Amory pagkatapos ko iyon sabihin.
Tiningnan ko siya ng makahulugan. Sana makuha niya na paguusapan na namin yung magiging secret namin sa boys. Mas pinanlakihan ko pa siya ng mata para mas makuha niya. Ano ba naman tong babaeng to lowgets.
"Ah! Oo nga Captain wag na lang" singit ni Jaycee. Tiningnan ako ni Jaycee at kinindatan. Yes! Nakuha niya. Salamat naman.
"If that's what you want" sagot sa amin ni Captain at pinagpatuloy ang pagkain niya.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...