CHAPTER 25

218 17 0
                                    


Darimn Skyrie

Nagsimulang magsilabasan ang ibang studyante sa labas. Nagtaka ako kung anong pinagkakaguluhan nila. May mga kalaban ba?


'Eh? Bat naman makakapasok ang kalaban sa academy na to?' tanong ko sa isip.


Sumilip ako sa bintana na katabi ko. Sa halip makita ang pinagkakaguluhan nila ay nakita ko ang mga likod ng mga babae na katabi naming classroom. Pinagkibit balikat ko na lang ang nangyayari at tiningnan sila Ezra.


Nakita ko ang pagirap niya at nakatingin sa labas ng pintuan. Mula sa pintuan ay pumasok si Isaac sumunod si Cano at Aiden. Umupo sila sa kabilang bahagi ng classroom na katabi ng mga bintana.


'Hindi ba sila nagpapansinan sa loob ng classroom?' tanong ko sa sarili ng maobserbahan ko na hindi nila binati ang kada isa. Teka asan sila Ethan?


Bago pa man ako mahulog sa mga iniisip ko ay isang babae ang pumasok sa classroom namin. Umupo ako ng maayos at ang iba naman ay umupo sa kanya kanya nilang upuan.


"Ah I think madaming late sa first day of class, right?" Ani nito at nilingon ang buong classroom. Nasa late 30 siguro ang edad niya sa pagoobserba ko.


"Okay, hindi na natin sila hihintayin. My name is Aurora Minitunumia you can call me Miss Aurora. I'm your first subject every day. My subject tackles energy, focus, relaxation, and about to leisure time" mahaba niyang paliwanag. Nakikinig lang ako sa kanya dahil hindi ko siya nakita noong nasa Agora kami at hindi ko alam kung anong abilities ang hawak niya.


"I can handle the time. Time management. Turn back the time and manipulate the time. That's my ability" nakangiti niyang sabi. Nabasa ba niya iniisip ko?


"I'm new here in this class and building if you all wondering—"


"Sorry maam late" isang lalaki ang kumatok sa pinto. Nagulat ako ng makita ang mukha niya. Si Braylee classmate ko.


"Me too maam sorry po" nagulat ako ng naunang pumasok si Dorothy at umupo sa ikatlong hanay na pinakahuli.


"It's okay you can now choose your sit, mister" aya niya kay Braylee. Dumiretso si Braylee sa unahan ni Dorothy.


Mukhang naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya at tumingin siya sa gawi ko. Tiningnan rin ako ni Dorothy at tiningnan ang katabi kong upuan na nasa likuran ni Ezra. Nginitian ko sila na tinugunan ni Dorothy.


Nagingay ang buong classroom ng may pumasok muli sa klase. Si Ethan, Zane at Caelan. Umupo si Braylee sa likuran ni Ezra na nasa gilid ko lang. Panay naman ang hinghingan ng mga babae sa unahan sa pagpasok nila Ethan.


Dumiretso si Caelan sa likuran nila Cano. Bale nasa hulihan na hanay na iyon si Zane at sa hanay na apat ay nandoon si Ethan sa pinakahulihan katabi si Zane at Dorothy.


"Okay, I guess we're complete. Again you can call me Miss Aurora and I'm your first subject today" tumungo siya sa chalkboard at may sinulat. 

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now