A pale darkness surrounds me. A darkness that has no ending.
Something's off. Where I am? Why I am here? And why am I talking like I am not me?
'Darimn! Gising!' napabalikwas ako ng marinig ko iyon. Luminga-linga ako sa paligid. Ganoon pa din at mapusyaw na kadiliman ang nakapalibot sa akin.
Naalala ko ang pinagsasabi ko kanina. Parang hindi ako ang taong yun. It's not me.
Nagulat ako ng muling lumabas iyon.
"Anong nangyayari?" napasabunot ako sa sarili kong buhok. Anong nangyayari sa akin? Mas nainis ako ng wala akong makita kundi pusyaw lang na kadiliman.
May nahigip ang mata ko na tumatakbo na bata. Nanlaki ang mata. Wala naman atang multo dito diba? O isa din siya sa nakapasok sa itim na iyon na lumabas na lang sa lupa?
Nagdesisyon akong puntahan ang bata. Dahan-dahan akong tumayo at dinama ang paligid. Maingat akong humakbang baka sakaling lumabas muli ang nakita ko kanina bago nakapunta dito.
Lumakad ako sa pusyaw na kadiliman na kaunti lang ang nakikita ko pero sigurado ako na ako lang ang tao dito.
Nasaan na yung bata? Baka multo talaga siya?
Winaksi ko ang iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad. May namataan akong nakahiga sa di kalayuan. Nanliit ang mata ko para alamin kung sino siya.
Patakbo akong lumapit kay Jaycee ng mamukhaan ito. Naghuhumirantado ang puso ko sa kaba. Anong nangyari sa kanya?
"Jaycee! Jaycee! Gising!" nanginginig kong ginising ang babaeng nakahiga ngayon sa hita ko.
"Darimn" mahinang tawag nito sa akin.
"Nasaan tayo?" tanong nito. Pinaupo ko siya ng maayos. Tiningnan niya ang paligid namin.
"Hindi ko alam. Nagising na lang ako na narito ako tapos naglakad-lakad ako at nakita kita nakahandusay dito" paliwanag ko sa kanya.
"Kailangan na nating makalabas diba may nangyayari sa academy?" tanong nito sa akin. Ay susko po! Bakit ko nakalimutan na may sumusugod pala sa akademya!
Inalalayan namin ang isa't isa na tumayo.
"Saan tayo?" tanong ko sa kanya. Nagbuntong hininga siya na mukhang nagiisip rin kung paano kami makakalabas dito.
'Darimn'
Lumingon ako sa kaliwa ko. Naramdaman ko rin na lumingon sa kanan si Jaycee na mukhang nakarinig rin ng kung ano.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...