Isang ingay ang aking narinig na nagpagising sakin. Mukhang may nagtatalo.
Nagtatalo ba sila Lolang at Lolo?
Dali dali akong umalis sa aking kama.
"Ma'am how many times do I have to tell you that this invitation is not for you" isang baritono at madiin na boses ng lalaki ang aking narinig. Lalaki? May kaaway ba?
"Ma'am kung mararapatin niyo po sana narinig lang po namin na may apo po kayo at ang imbitasyon po na ito ay para sakanya" isang mahinhin na boses naman ang nagsalita.
Dahan dahan akong lumabas sa pintuan ng aking kwarto para di nila maramdaman ang aking presensya.
"At ilang beses ko rin bang sabihin sainyo na kahit ibigay niyo yan ay hindi ko ipapasok diyan ang apo ko" minsan ko lang makita si Lolang na galit at siguro ito na ang grabe.
"Lang may problema po ba?" tanong ko ng makababa ako sa hagdan.
Tiningnan ko ang mga taong kausap nila Lolang. Mga studyante ito ng Aeonian Academy base kasi sa suot nilang pang eskwelahan at mukha naman talaga silang studyante.
Nakatingin silang lahat sa akin. Kahit naiilang ay lumapit ako kila Lolang.
"Lang may problema po ba?" tanong ko muli kay Lolang. Si Lolo naman ay pumunta sa kusina mukhang ayaw niya ang senaryo na ito.
"Wala apo mga...." di na natapos ang pagpapaliwanag ni Lolang ng may magsalita sa mga estudyante.
" We are from Aeonian Academy. We are from Domus Class. Darimn Skyrie you are invited to go to Aeonian Academy to be a part of it" inilahad pa nito ang papel na kulay ginto. Anim na lalaki at tatlong babae ang nasa labas ng aming pintuan.
Tiningnan ko lamang ang imbitasyon na hawak ng babae na pula ang buhok.
Totoo nga ang narinig ko kila Amor at Dahlia na magbubukas muli ang paaralan ng Aeonian ngunit kagabi ay napagdesisyonan ko na ang mga iniisip ko kagabi.
"Umalis na kayo marami pang taga-Tyria ang maghahabol sa gintong papel na yan" turan ko dito at ngumiti. Mas pipiliin ko ang mahal ko sa buhay kaysa sa kasiyahan ko.
Inakay ko si Lolang papunta sana sa kusina ng nakarinig ako ng nakakainsultong tawa.
"Really? We just came here to give this fucking invitation and you just said na maraming maghahabol nito? For your information this paper is only for you. Darimn Skyrie." mahabang at madiin na ingles ng babaeng pula ang buhok.
Akmang sasagutin ito ni Lolang ng pigilan ko "Lang ako na po ang bahala".
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...