Nang makalabas ng tindahan ay siya ring pag alala ko sa mapa na nasa aking bulsa.
"Lang babalik pa po ba tayo dito?" tanong ko kay Lolang. Sa sunod ko nalang ibalik to nakakahiya naman kung bumalik pa ako doon para ibalik itong mapa edi mahuhuli pa ako.
"Ipagdasal mo na huwag ng atakihin ang Lolo mo sa sakit niya" sagot nito.
"Ayaw niyo po bang bumalik dito? May kaibigan naman po pala kayo rito eh"ani ko na tiningnan pa ang tindahan na hindi pa kami nakakalayo.
Ngunit wala akong nakuhang sagot dito.
Hindi ko alam na may kaibigan si Lolang rito.
Noon kasi pumupunta lang kami rito para bumili ng mga pagkain isang pagkakataon lang iyon dahil hindi ako sinasama talaga ni Lolang pero umiyak ako noon habang nakayapos pa sa kanyang binti kaya naman sinama niya na lang ako. At ang huli naman ay nung 18th birthday ko bumili kami ng mga pagkain na ihahanda sa aking kaarawan at bumili rin ng bagong damit at yun na ang huling punta ko rito.
"Gusto mo bang mansanas nakita ko kanina habang papunta tayo rito" baling nito saken at mukhang nilalayo ang usapan. Siguro may malalim na dahilan si Lolang kung ayaw niya sa Sentro.
"Buti nalang pinaalala niyo sakin Lolang! Muntik ko ng makalimutan!" pasigaw kong sambit.
"Mabuti nalang di na kita kukulitin" at tumawa ako. Naiirita kasi si Lolang pag kinukulit ko kasi siya ay napapapayag ko ito.
"Ikaw talagang bata ka" at tumawa ito at tumawa na rin ako.
Papunta kami sa sinasabi at nakita ko kanina na bilihan ng mansanas habang naglalakad isa sa kasabay namin ni lolang ang naguusap. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba ngunit ang pinaguusapan nila ay nakakaintrega.
"Nakita mo ba ang mga matataas na opisyales kanina? Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila" sabi nung babae na mukhang 30 ang edad mukhang galing sila sa palasyo o isa sila sa taga pagsilbi.
"Ngayon ko lang nga rin nakita ganoon ang mukha ng hari mukhang di gusto ang nangyayare" tugon ng kasama niya na naka suot pa ng kanilang uniporme sa palasyo. Tama ako isa silang taga silbi. 'Ano kayang nangyayare sa palasyo?' at tiningnan ko ang tuktok na nakikita sa kinaroroonan ko.
Tiningnan ko si Lolang mas nauuuna siya saakin ng ilang metro. Tumingin ako sa dalawang babae kanina mukhang natapos na ang kanilang usapan.
"Apo anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Lolang na kanina pa pala nakatingin sakin.
"Pag ikaw naligaw rito ay naku bata ka" naglakad ito papunta sakin di ko naman alam na nakatigil na pala ako at nakatingin sa dalawang babaeng papalayo kanina.
"Sorry na Lolang na engganyo lang po akong tumingin sa paligid" Pagsisinungaling ko dito.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...