CHAPTER 20

212 17 0
                                    

Darimn POV

"Oh god!" narinig ko ang pagbagsak ni Dorothy mula sa pagkakaupo niya kaya nawala ang focus ko kay Callie.


Nakita ko ito na nakahiga na mula sa pagkakaupo niya kanina at sapu-sapo ang kanyang bewang. Mabilis akong pumunta sa kanyang posisyon.


"Anong nagyayari sayo? May masakit ba?" pag aalala ko. Nakita ko ang tambak-tambak na palaso na nagawa niya.


"I'm ex....haus....ted. Muk.....hang na....gamit ko a...ta la....hat ng ener....gy ko" nahihirapan niyang sabi. Tiningnan kong muli ang nagawa niyang palaso.


"Okay lang magpahinga ka muna masyado mong ginamit ang iyong kapangyarihan. At saka ayos na itong nagawa mo sobra-sobra pa nga" pagpapagaan ko sakanya. Inayos ko ang higa niya at tinulungan siyang ilapit sa malapit na puno sakanya at sinandal.


"Pero-ah!" nataranta ako ng uminda siya sa sakit.


"Anong masakit saiyo?" nagaalala kong tanong.


"Wala puntahan mo na ang boyfriend mo baka kailangan ka na niya ngayon" sabi nito ay tinulak tulak na ako.


Tiningnan ko ang pwesto ni Braylee at nakitang nagpapatama pa din siya ng palaso kay Callie. Magpapaliwanag sana ako na hindi ko kasintahan ang lalaking iyon pero wala akong oras na ipaliwanag pa.


Bumuntong hininga ako. "Maiiwan na kita at huwag kang lalabas diyan" sabi ko at tumagong lumapit kay Braylee.


"Is she okay?" tanong nito ng makita akong nasa tabi niya. Tumango ako. Sana okay lang talaga siya. Kailangan na namin tong tapusin para malunasan na siya sa clinic.


Kung kanina ay todo iwas si Callie kay Lavigne at Marcus ngayon naman ay naglalabanan na ito. Ang double side sword niya ay para lamang hangin na pinapaikot-ikot niya sa kanyang kamay. Ibang klase mukhang konektado sila ng kanyang weapon.


"Ah!" daing ko ng sumakit ang aking mga mata. Napadaing muli ako ng nagiba-iba ng kulay ang nakikita ko. Naramdaman ko ang mga kamay sa balikat ko.


"O....kay lang a....ko" pagsasabi ko ngunit ang mata ko ay para muling napapaso at ang nakikita ko ay iba't-ibang kulay. Ang gulo!


Mula sa maraming kulay ay tatlong pigura ang nakita ko. Sila Callie! Nakita ko ang paglalabanan nila. Bumilis ang mga galaw nito.


Mukhang matatamaan na ng isa kila Marcus at Lavigne si Callie ng maunahan niya ito. Nagulat ako sa aking nakita at nawalan ng balanse sa pagkagulat.


Nawala na rin ang mga imahe at ang tunay na naglalabanan na ang nakikita ko. Hindi maaari!


"Braylee kailangan mong.. kailangan mong..." tinulak tulak ko si Braylee dahil hindi ko magawang matapos ang sasabihin ko.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now