Minotaur? Ang kalahating bull at tao?
Dali-dali kong sinundan si Ethan na malayo na sa akin. Hinila ko ang laylayan ng kanyang suot na damit na kinatigil niya.
"What?" nasa tono nito ang pagkakairita. Bago ko masagot ang tanong niya ay hinawakan niya ng marahan ang aking ulo at pinayuko ako.
Pinadaan niya ang kanyang battle axe sa aking taas at may naramdaman na lang akong may nahulog sa aking likod. Tiningnan ko iyon at nakita ang kulay green na galing sa nomud at nalusaw na katawan nito.
"What do you want?" seryosong tanong muli nito sa akin. Marahan kong inayos ang aking pagkakatayo.
"Gaano kalayo ang palasyo dito sa akademya?" tanong ko.
"Why did you ask?" naguguluhan nitong tanong.
"Kase—" naputol ang sasabihin ko ng hilahin niya ako palapit sa kanya.
"Ah!" daing ko ng tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Hawak-hawak niya ang likod ng ulo ko habang ang isang kamay ay pinapatay ang mga Nomud. Namula ako ng mapansin ko ang posisyon namin.
"Psh! Too many" mahinang sabi nito.
"Eeeeehk!" matinis na tunog galing sa Nomud ang papalapit sa gilid namin na kung saan ako nakatingin.
"Ethan!" tawag ko sa kanya. Mabilis na winasiwas niya ang kanyang battle axe ngunit may kakaiba doon. Bumuo iyon ng hangin sa paligid ng axe. Malakas niya iyong hinampas sa lalamunan ng Nomud na nasama pa ang ibang Nomud na nasa likuran nito.
Tiningnan ko siyang gulat na gulat. Tungkol sa hangin ang kanyang ability? Naalala ko nung nawalan ako ng hangin nung gabing nawalan ng malay si Jaycee siya ang nagbigay ng hangin sa akin.
Bago pa kami masugod ulit ng mga Nomud nagsalita na ako.
"Inaatake din ang palasyo at maraming creatures ang nandoon pero sigurado akong may papunta ditong mga minotaur kaya winawasak nung mga aso ang barrier para makapasok sila." pagbibigay alam ko sa kanya. Natigilan siya.
"Minotaur?" mahina niyang sabi ngunit rinig ko pa rin.
"Inform the teachers about this and stay away to this place" naguguluhan man ay tumango na lang ako sa utos niya.
Paalis na ako ng tumigil ako sa paghakbang. May kung anong pwersa sa paa ko na pinapatigil ako sa aking paghakbang. Nangunot ang mga noo ko ng unti-unti akong humaharap sa aking likuran.
'Anong nangyayari?'
"Be careful" isang tinig ang narinig ng aking isipan. Sa isang tao lang ako nakaharap ngayon na seryosong nakikipaglaban sa mga Nomud.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...