Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga kama ng clinic. Hinihintay ko ang titingin sa sugat dahil may ginagawa si Nurse Maria ang pagkukuhanan ng gamot ni Jaycee.
Siya rin ang nagbantay sa akin noong pagkatapos akong mawalan ng malay sa Agora.
"Hi, Good morning" bati sa akin ng lalaki na wala pa sa trenta ang edad dahil napakabata pa ng itsura.
"Magandang araw din po" tumayo ako para magbigay galang pero pinaupo niya rin ako.
"Nurse Maria explain to me what's your condition. Can I see it?" malumanay na tanong nito sa akin. Dahil naka suit ako ay tinaas ko ang sleeve nito para makita ni doc ang sugat ko.
"Hmmm. Ilang araw na ang nakalipas bago mo to nakuha?" tanong ni doc habang tinitingnan ang sugat ko.
"Three days po tapos ako lang po gumamot." pagbibigay alam ko at tumango tango ito.
"By the way, call me Doc Klein and to your wounds hindi pangkaraniwang ang nakuha mong sugat parehas kayo ni Marcus from Arryn. You know him?" tanong nito. Tumango ako.
Parehas kami ni Marcus?
"He hesitate also to go to clinic but when he recognized that it won't heal immediately he consulted to me. Tama naman ang ginawa mo na you put first aid pero dapat mo agad pinatingnan sa akin" paliwanag niya. Yumuko ako sa pangaral niya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"The teen this day" mahinang usal niya at may kinuha sa dala-dala niyang tray.
"Put this to your wounds kukunin ko lang ang records ko" inilahad niya sa akin ang maliit na botelya na may laman na kulay brown na tubig.
"Just put a right amount in cotton then put it to your wounds." Ani nito saka umalis na. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naglagay lang ako ng kaunti hanggang mabasa ang cotton at nilagay ko sa sugat ko sa magkabilaan.
Mahapdi pero hindi naman sobrang sakit. Matapos kong pahiran ang sugat ko ay sakto naman na pumasok si Doc Klein.
"Hindi ko makita ang records mo siguro mamaya ko na lang i-record yun is that okay to you?" kita ko kay Doc ang paghahanap ng mata niya sa loob ng room.
"Okay lang Doc. Ayos lang po. Sa akin na po ba to Doc?" tanong ko at pinakita pa ang gamot.
"Yeah, pagnaubos mo na yan pwede kang hindi na kumuha ulit since one bottle is enough" sagot nito.
Nagpasalamat na ako sa kanya at sabay na lumabas sa kwarto.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...