CHAPTER 38

271 18 3
                                    


Masaya kaming apat na pumasok sa classroom. Nagising kami kanina sa ingay ni Jaycee. Na miss niya daw ang dorm pati na din ang kwarto niya kaya napa-aga kaming pumasok dahil sa kulit niya.


Masayang nagkukwentuhan sila Ezra at Jaycee dahil nabanggit ni Ezra na ilang araw siyang nasa clinic kaya madami siyang na missed na klase kaya pinakuwento ni Jaycee si Ezra. Sana naman hindi na mabanggit ni Ezra yung sa amin nila Captain.


Nakakahiya talaga.


Marami-rami na din kami sa klase pero wala pa ang mga boys pati na din ang hinihintay kong tao. Si Braylee.


Tatanungin ko siya tungkol sa mission nila. Mahirap makausap sila Dahlia at Amor dahil magkaiba kami ng klase kaya napagdesisyunan ko na kay Braylee na lang magtanong.


Ang tagal niya naman dumating.


Iniisip ko na kapag hindi ko siya makausap kay Dorothy ako magtatanong pero paano? Ang layo ng upuan ni Dorothy sa upuan ako. Hindi ko din nakikita sa labas si Dorothy tuwing lunch o uwian.


Sa pagiisip ko may babaeng tumayo sa aking gilid kaya tiningnan ko siya. Isa siya sa kaklase namin.


May matangos na ilong at bilugang mukha. Ang mata nito ay may pagkasingkit at makinis ang balat.


Oh? Nakikita ko din siya sa Somniate House. May kailangan ba siya sa akin?


"Hi" magiliw na bati nito sa akin. Nginitian ko siya pabalik.


"Hi, may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing may kailangan siya sa akin.


"Uhmm...pinapatawag ka kasi ni Maam Phanta sa Somniate House. Mukhang may ibibigay siya sa iyo" sagot niya sa akin. Si Maam Phanta?


Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Sakto naman ang pagpasok nila Captain sa loob. Bat ba lagi silang nahuhuling pumasok kaysa sa amin?


"San ka pupunta?" tanong ni Amory sa akin. Tinuro ko si Chlarissa at ang labas para malaman niya na pinapatawag ako.


Chlarissa Houton ang pangalan ng babae na tumawag sa akin. Nalaman ko din na time travel ang ability niya. Nabasa ko pagkatao niya.


Pagkalabas ko ng pinto ay sakto naman na papasok si Braylee. Kinawayan ko siya na tinanguan niya lang. Tanungin ko na ba siya o mamaya na lang?


"Braylee?" pagtatawag ko sa kanya. Bago siya makapasok sa loob ay tumigil siya at hinarap ako.


"Ano... pwede ka bang makausap mamaya?" nagaalangan na tanong ko sa kanya. Umayos siya ng tayo at nangunot ng noo.


"Yeah, tungkol saan ba?" Ani nito. Natuwa ako sa sagot niya. Yes!


Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now