CHAPTER 37

258 14 0
                                    


Uwian na at napagdesisyonan ko na pumunta sa Somniate House. That's the house I chose dahil gusto kong makuha kung paano alisin ang mga panaginip ko or is there something behind on it.


Sa nagdaang araw akala ko tuluyan ng umalis ang mga panaginip ko pero nagkakamali ako. Gabi-gabi ay nagpapakita ulit ang mga anino sa panaginip ko. Hindi nagbabago ganun pa rin.


Madami kami doon and we have the freedom to do what we want since it consists of dream travelers, fortune tellers, future tellers, and other illusionists.


I learned that hindi naman lagi-laging uma-attend sa houses dahil ginawa lang iyon para sa mga students na may extra time to build their ability.


Nauna ng umalis sila Amory dahil may ginagawa siya sa Guerreier House habang si Ezra naman papauwiin muna daw si Caelan at siya muna ang magbabantay.


Gusto ko sana siyang samahan pero sinabihan niya ako na siya muna daw ngayon then mamaya raw na gabi doon na lang daw kami kakain at tatambay.


Sa panahon na ito ngayon ko lang napansin na kahit wala si Jaycee ay hindi kami napaghihiwalay kasi naghahanap kami ng solusyon para lagi namin siyang kasama.


Nangunot ang noo ko ng makita si Marcus na nakasandal sa pader malapit sa hagdan. Anong ginagawa nito dito?


Oo nga pala maguusap pala kami ngayon na napurnada nung nakaraan.


"Talaga bang pinanindigan mo yung sinabi mo na alam mo kung saan ako hahanapin?" natatawa kong tanong sa kanya. He just smirked at me at umalis sa pagkakasandal.


"Are you still taking a special class?" sinabayan niya akong maglakad pababa.


"Hindi mo naman sinagot tanong ko...." bulong kong sabi sa sarili.


"Oo naman madami pa akong dapat matutunan kaysa sa iba" sagot ko sa kanya. Tumango tango siya sa sagot ko.


"Ano pala paguusapan natin?" tanong ko na kinatigil niya. Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kanang kamay niya.


Hinampas ko ang kamay niya na kinabitaw nito. Ngumisi siya sa ginawa kong yun.


"I'm hungry, kain muna ako" ani nito at nagpatuloy sa paglalakad.


Wow, hindi man lang siya nang imbita. Tiningnan ko si Marcus na naglalakad habang ang kamay dalawang kamay ay nakabulsa sa magkabilaan.


"Hurry! Hahanap pa tayo ng upuan" rinig kong sabi nito kahit hindi ito humarap sa akin. Padabog akong sumunod sa kanya. Nakakainis naman ang mga nakakasama ngayon.


Kanina si Ethan ngayon ito namang si Marcus. Ano bang kamalasan ang araw na to?


Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now