CHAPTER 15

208 17 0
                                    


Nagsimula ng magsi-upuan ang mga studyante sa Agora. Nakikita ko na rin si Miss Phereah yung guro sa gate, si Sir Charles, si Sir Marcus at isa pang babae na may balabal sa ulo siguro isa rin siyang guro ng Seniors.


Nakita ko rin ang ibang miyembro ng Arryn yung leader nilang si Luoie at si Winter. Wala yung dalawa. Habang ang Domus naman ay kulang ng dalawa yung magkapatid na Rush.


Naglakad patungo sa gitna ng Agora ang babaeng may balabal.


"Good morning students. I'm Kyra one of the teacher of seniors I would like to tell you na maguumpisa na ang pagbibigay ng test sa mga wala pa sa Agora please proceed here." anunsyo nito na ang boses ay walang buhay. Ang ganda niya ngunit boses parang animo'y sasabak sa gyera.


Ang alam ko ay nagkalat ang speaker sa academy na ito. Sigurado naman maririning nila.


Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsidatingan na ang ibang studyante na nagmamadaling maghanap ng upuan.


"We are settle. Goodluck to your test and don't be so hurry walang humahabol sainyo" dagdag pa nito at kinumpas ang kanyang kamay. May lumitaw sa aming kinauupuan na papel na nakapatong sa lumitaw ring mesa. Cool!


Namangha ang iba at ang iba ay kinuha agad ang ballpen na kasama para sumagot na ganoon rin ang ginawa ko. Bago yun ay tiningnan ko muna ang langit. Bahala na. Kaya mo to Darimn.


Ilang tanong na ang nasagutan ko tulad ng sino ang naunang hari, ikalawa at ikatlo pati na rin ang mga naging reyna. Buti nalang nagbasa ako ng libro tungkol sa Evigheden.


Tungkol sa medisina naman ay may kaunti akong alam dahil na rin manggagamot si Lolang at lagi niya akong sinasama pag kumukuha ng halamang gamot ay nakatulong iyon sa pagsagot ko.


Sa technology ay mga kagamitan na mahirap pangalanan dahil na rin sa hindi ko pa ito nakikita at nagagamit. Sa parteng ito ako nahihirapan. Argh! Dapat pala binasa ko rin ang isang libro na binabasa ni Dahlia kanina about weapon and technologies nakakainis!


Ilang oras ang lumipas ay tumingin ako sa paligid ang iba ay seryosong nagbabasa at sumasagot, ang iba ay prente pang nakaupo at nakatitig lang sa papel at ang iba naman ay nakatulala kung saan-saan. Mukhang wala rin silang maisagot at ang dala lang nila ay ang kanilang kapangyarihan.


"Ah!" isang sigaw mula sa taas naming upuan ang narinig namin na kinalingun ng lahat.


Namilog ang mata ko sa nakita ko. Lumulutang ang papel niya!


"It will automatically check pag tapos na kayo kaya basahin niyo ng maigi ang tanong" sabi ni Miss Kyra habang nakatingin sa babaeng nagulat ng lumutang ang papel niya. Nakakamangha!


Iniintindi ko ang bawat tanong sa sagutang papel baka mamali ako sa pagbabasa.


Malapit na akong matapos at isa na lang ang kailangan. Ano ba naman yan!


Sino ang ika pitong arkonate sa Peledeias?

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now