CHAPTER 10

189 17 0
                                    


Nasa likod ako ng aming bahay. Katatapos pa lang namin kumain ng agahan at noong nasa hapag ay walang nagimik sa amin dahil na rin sa pagpunta kanina ng mga estudyante ng Aeonian para ibigay ang imbitasyon na hawak ko ngayon.


Ang kulay nito ay katulad ng paaralan.


Ginto. Para sa mayayaman. Gusto ng lahat.


Tiningnan ko lang ito di ako makapaniwala na isang katulad ko ay papasok sa paaralan na yun.


'Darimn diba pangarap mo to? Bakit hindi ka masaya?' tanong ko sa sarili. Ang gulo. Ang gulo ng utak ko.


Di ko namalayan na nakaupo na pala si Lolo sa tabi ko. Magkatabi na kami ni Lolo sa malaking ugat na naka angat na sa puno sa likod ng bahay namin.


"Ang lalim naman ng iniisip ng apo ko" malambing na sambit nito.


Tumawa ako "Di po ako makapaniwala. Kagabi kakaisip ko palang na ano yung pipillin ko kayo o yung kasiyahan ko" at tiningnan si Lolo na nakikinig lamang.


"Alam niyo po ba ang mas nakakatawa? Na iniisip ko iyon kagabi at hindi ko akalain na may pupunta rito. Sinasabi ko pa na bakit pupunta sila rito at nagtanong kung kasama ba kami? Ako?" at tumawa.


"Tapos nakapagisip na ako na desidido na ako na dito lang ako kasi nandito ang kasiyahan kocpero diba Lo yung kasiyahan dapat nararamdaman rin ng puso mo at utak mo hindi lang isa kundi na rin ng buo mong pagkatao?" hanggang ngayon nakikinig pa rin si Lolo.


Kaya gustong gusto ko ang Lolo ko kahit anong drama at hinanakit ko ay nakikinig lang siya. Naluluha na ako sa sitwasyon na ito. Pano pa kaya pag umalis na ako? Aalis nga ba ako?


"Ano ba ang kasiyahan mo?" tanong ni Lolo sa akin.


"Kayo Lo. Kayong dalawa ni Lolang ang kasiyahan ko" sagot ko sa tanong nito.


"Alam ko masaya ka sa amin ng Lola mo pero masaya ka ba sa paligid mo?" tanong muli nito. Parang may humarang sa lalamunan ko sa pagkasabi ni Lolo na iyon. Tumango na lang ako.


"Alam mo may mga tao na masaya dahil kasama nila ang mahal nila sa buhay pero may mga tao na hindi masaya kahit may nagmamahal sa kanila. Naiintindihan mo ba iyon?" tanong ni Lolo sa akin.


"May nagmamahal sayo at nararamdaman mo iyon pero kahit na ganoon iyon may nararamdaman ka pa ring kalungkutan hindi ba?" pagpapatuloy ni Lolo ako naman ay nakikinig lamang habang tumutulo na ang luha galing sa aking mata.


"Mahal ka namin ng Lola mo at alam namin na nararamdaman mo iyon pero bakit ka pa rin malungkot? Dahil hindi lang iyon ang kasiyahan mo. Ilang taon kang nakakulong sa lugar na ito pero di mo kami sinisi. Ilang taon kang walang kaibigan. Alam ko na gusto mo ring mag kwento sa iba na hindi mo nakukwento sa amin. Yung kalungkutan mo diyan......." at tinuro nito ang puso ko.


"ay iba-iba ang magpapasaya dahil iba iba rin ang kalungkutan mo ngunit nagsama sama dahil malungkot ka" pagpapaliwanag nito sa akin na nakapagpaiyak pa sa akin ng lalo. Malabo na ang pagtingin ko dahil sa luha na nakatakip sa aking mata.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now