CHAPTER 2

320 23 0
                                    

"Hay natapos rin!" lilinga-linga akong tumitig sa loob ng bahay nang buo ko itong linisan na araw-araw kong ginagawa dahil gusto ko ay laging malinis ang paligid at ang ganda kayang tingnan kapag maaliwalas ang bahay.


"Yan tapos na pwede na akong lumabas" tinago ko na ang ginamit ko sa paglinis at inayos ang aking sarili.


"Lolang!"


"Lolang!" tawag ko kila Lolang para makapag paalam man lang ako. Hindi ito sumagot siguro tulog na iyon pero ang aga pa naman.


Kibit balikat akong nagtungo sa pinto para lumabas. Sariwang hangin ang tumambad sakin ng buksan ko ang pinto.


Ang sarap sa pakiramdam kahit wala akong kasama at si Lolo at Lolang lang ang lagi kong kausap dito sa lugar namin ay di ako magsasawa na manirahan dito.


Kinuha ko ang dalawang balde na katabi ng drum, kukuha ako ngayon ng tubig sa ilog para madami kaming tubig. Naisipan ko ring maligo na kaya kumuha ako ng tuwalya.


Hindi ko na kailangan ng sabon at pabango sa buhok dahil may bulaklak naman na nakapaligid sa ilog na iyon na lagi kong ginagamit sa katawan at buhok kaya hindi na ako nagdadala at iyon din siguro ang dahilan kung bakit maputi ang balat ko.


Pakanta kanta akong nagtungo sa ilog dahil bago makapunta doon kailangan mo munang maglakad sa nagbabanguhang bulaklak at matatayog na puno kaya masarap pumunta roon.


Habang naglalakad may nararamdaman akong presensya sa likod.


"Sino yan?" matapang kong tugon. Hindii naman ako takot sa multo o kung ano man na hayop wag lang ang palaka.


Nagpatuloy ako sa paglalakad at di ininda ang presensya sa likod.


Nakarinig ako ng kaluskos malapit na saakin binilisan ko ang paglalakad ko habang naglalakad palakas at palakas na rin ang kaluskos at palapit na ng palapit.


Natatakot na ako. Dagdag mo pa na mag isa lang kaming nakatira dito sa lugar namin. Hinarap ko ito ngunit nawala ang tunog at kaluskos.


"AAAAAAAAAAAAAH" malakas kong sigaw ng may tumalon sa paa ko.


"KUNEHO?" naglundag lundag ito patungo sa mga lilang bulaklak


"Susko mamatay ata ako sa gulat sa kunehong yun! Kung di lang yung malinis at maganda baka napatay ko na yun" parang ewan na ako dito na kinakausap ang sarili ko habang nakahawak sa dibdib.


Kahit iniinda ang pagkakagulat nagpatuloy pa rin ako dahil kailangan kong maligo.


Natanaw ko na ang ilog kaya dali-dali akong naglakad papunta roon.


"Sa wakas" sambit ko.


Mga batong makukulay, tubig na makikita ang ilalim sa sobrang linaw, mga mababangong at ibat ibang kulay na bulaklak at mga naglalakihang puno at may mga kulay ang dahon ang makikita sa lugar na ito ang Ilog ng Narssaya na makikita lamang sa lugar ng Looban.

Aeonian AcademyWhere stories live. Discover now