Ezra POV
Masama ang pakiramdam ko ngayon dahil nandito na naman ang asungot.
Syempre sino pa? Edi sila Isaac.
Nilibre kasi kami ngayon ng dinner nila Aiden at Zane at naisipan nila na dito na lang kumain dahil wala daw sa kanila ang maghuhugas. Wow naman anong tingin nila sa amin tagahugas ng pinggan?
Swerte sila nandito na si Captain at hindi na umangal si Amory kung hindi mabubungangaan ko na naman sila.
"Huy Ezra! Ang haba na ng nguso mo daig mo pa ang bibe diyan oh" pinilantik pa ni Isaac ang mga daliri niya sa harap ko. Inirapan ko lang siya dahil wala akong balak na kausapin siya ngayon. May iniisip kaya ako.
Kanina habang naglalakad ako nakita ko sila Braylee at Darimn nasa harap ng building ng dorm namin at iniisip ko kung ano ang ginawa nila. Nanliligaw ba si Braylee sa kanya?
Suspicious.
Kanina din sabay silang naglunch, napagalitan sila ni Maam Aurora dahil sa paguusap nila habang nag didiscuss si maam tapos sabay din silang umalis nung uwian. May something ba sa kanila na hindi namin alam?
"Mamaya na lang daw kakain si Ate Darimn nag-aaral kasi" nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Jaycee. Eh? Nag aaral? Masyado naman siyang masipag.
Ako kaya kailan kaya ako masisipagan mag aral sa kwarto ko?
"Ay! May nakita kami kanina ni Cano. Something spicy. Naglalagablab" sinamaan ko ng tingin si Isaac ng sabihin niya iyon. Daming alam!
"Anong nakita niyo?" curious na tanong sa kanya ni Aiden habang nagsisimula ng kumain. Ayos to ah di man lang nagsabi.
Kumuha na din ako ng kanin pati na din ulam na fried chicken. Mayroon ding pininyahan na adobo at beef steak pero mas gusto ko fried chicken.
"Ang ingay mo Isaac kumain ka na nga lang" muntik na akong matawa sa ginawa ni Cano kay Isaac.
Sinungalngal ba naman ng kanin sa bunganga. Pinigilan kong matawa dahil may laman ang bibig ko habang si Amory naman ay natatawang sumandok ng kanin.
"Anong nakita niyo Isaac at Cano?" tanong naman ni Jaycee sa kanila.
Natigilan silang dalawa sa paghaharutan at biglang tumingin kay Caelan. Kapag si Jaycee na ang nagtanong kailangan dapat sagutin kung hindi patay ka kay Caelan.
Uminom si Isaac habang nakatingin kay Caelan. Natatawa naman ako sa pinag gagawa nila habang yung magkapatid ay sanay na sa pinaggagawa nila at tahimik lang na kumakain.
"Wala yun Jaycee alam mo naman ako, kung anu-ano ang nakikita ko" nag aalangan siyang tumawa sa sinabi niya. Umiling na lang ako sa pinag gagawa niya.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...