Pagbalik ko ay nakita ko si Lolang sa labas ng bahay at kumukuha ng tubig sa drum.
"Lang! Anong oras po ba tayo aalis?" tanong ko at tinulungan siyang kumuha ng tubig. Nilagay ko iyon sa planggana na nasa lupa.
"Naligo ka pala. Maya-maya ay aalis na tayo kaya mag-ayos ka na dahil magbibihis na lang ako" sagot ni Lolang.
Tumango ako at nilagay yung tubig sa drum na kinuha ko kanina sa ilog.
Pumasok na ako sa loob at pumunta na sa aking kwarto. Nagbihis na ako at dali-daling lumabas sa kwarto at nagbaba. Hindi naman ako maarte sinusuot ko. Kung saan ako komportable ay iyon ang sinusuot ko.
Lumabas na rin si Lola ng ilang minuto kong paghihintay at nagpaalam na kami kay Lolo.
Habang naglalakad papunta sa damuhan ay nasasabik ako sa pagpunta sa Sentro. Makakarinig ulit ako ng ingay at mga abala na mga tao.
Malapit na kaming makalabas sa damuhan ng Looban bago kasi makapunta samin ay may malawak na damuhan ka munang madadaanan kung ayaw mong dumaan sa lungsod ng Tyria. Hindi naman tirik ang araw kaya hindi naman masakit sa balat ang araw.
Tiningnan ko si Lolang na kumakanta pa habang naglalakad.
Napangiti na lang ako. Mahilig kami ni Lolang na kumanta habang si Lolo naman ay nakikisabay sa amin kapag nagkakantahan kami sa bahay. Hindi marunong kumanta ang Lolo ko kaya nakikisabay na lang.
Nakabestida si Lolang na may mga bulaklak na sinulsi nito at may pamproteksyon sa araw sa ulo na gawa sa abaka habang ako naman ay simpleng tshirt na brown at jeans na lagi kong sinusuot pag pumupunta kami sa Sentro.
Ang Sentro ay may tatlong sektor ang Meigma, Kentro at ang Tyria.
Sa Sentro mo makikita ang mga pamilihan ng bigas,prutas,gulay, at mga gamot na galing sa Kentro. Dito din matatagpuan ang palasyo ng Evigheden ang tirahan ng hari at reyna at ang paaralan ng Evigheden na Aeonian Academy.
Ang Kentro naman ay may mga lupain para sa taniman ng mga hilaw na kasangkapan at pagkaing dagat dito din nakatira ang mga magsasaka, normal na tao, mga anak at pamilya ng kawal at tagapagsilbi sa palasyo. Halos nandito ang agrikultura ng Evigheden dahil na rin sa mataba ang lupa dito at malapit sa karagatan. Dito rin ang daungan ng mga barko sa aking pagkakaalam at dito nagaganap ang palitan ng mga pagkain at kagamitan sa mga malalapit na sektor na hindi dumadaan sa lupa.
Sa Meigma mo naman makikita ang halo halong kakayahan may mga lobo, bampira, at mga may senses. Ito ang pinaka sebelisado sa Sentro. May mga pagamutan, kainan, matataas na establisyemento, at iba pa.
Habang ang Tyria ang pinakababang lugar sa Evigheden tahanan ng tiwalag sa palasyo, mga tinapon ng mga diyos, kinasusuklaman, mga kriminal at higit sa lahat ayaw sumunod sa batas ng Evigheden.
Sakop nito ang Looban kung saan kami nakatira at isa kami doon. Kami ng Lolo't Lola ko ang tinatawag nilang Bagpaw.
Bagpaw ang mga tawag saamin ng karamihan lalong lalo na ang mga nandidiri sa mga katulad namin.
Sinabi na to noon ni Lolo sakin dahil isa sila sa hindi sumunod noong nagkaroon ng digmaan ang mga diyos at diyosa ng Evigheden.
Gusto ng mga opisyales ng Evigheden na lumaban ang lahat sa digmaan na yun ngunit ang Lolo at Lola ko ay ayaw. Ayaw nilang masangkot sa gulo ng mga diyos at diyosa kaya pumunta sila at ang iba na ayaw sumama sa Tyria.
Ang Tyria ay abandonadong lugar ng Kentro at mga diyosa lang ang naninirahan ngunit hiniwalay ng iba ang Tyria dahil naging tahanan na namin ito.
Hindi kami malapit sa pinakasentro ng Tyria malayo kami dahil yun ang gusto ng Lolo't Lola ko at hindi rin kami dumadaan sa pangunahing daanan ng Tyria kaya dito kami dumadaan sa malawak na damuhan na diretso na sa Sentro.
Mabuti na lang iyon para maka iwas sa gulo at payapa ang aming buhay.
Sa wakas nakikita ko na ang lagusan na nagdidirekta sa Sentro. Habang papasok sa lagusan ay may naramdaman akong may dumikit sakin. Si Lolang lang pala at humawak ito sa bisig ko at tumawid na sa lagusan.
୧ ‧₊˚ ⋅ ☆
wp: @whyishe (Why_is_He)
FB: thami媛
♡₊˚ ・₊✧
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...