Didiretso sana ako sa labas para magpahangin pero heto ako ngayon papuntang Domus House para ibigay itong envelope na hindi ko alam kung ano ang laman.
Nagbabakasakali ako na nasa Domus House sila Ethan dahil ipinapabigay iyon sa Captain ng Domus sabi ng fairy na pumunta sa dorm namin.
Papalabas sana ako ng dorm para maglakad-lakad ng sakto naman na naabutan ko ang fairy sa pintuan ng dorm ng boys. Kaya ito imbes na nagpapahinga ay papunta ako ngayon sa Domus House.
Kaninang umaga pagkatapos nilang magbisita sa clinic nasabi sa akin ni Doc Klein na pwede na akong lumabas kaya hindi ko na nabanggit sa kanila na nakaalis na ako.
Tinitingnan ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko na mukhang nagtataka kung bakit ako nasa labas during class hour. Well, hindi naman ata nila alam na excuse ako.
Puro may long sleeve pa din ang sinusuot ko dahil nga sa mga tinatago kong simbolo sa aking mga braso. Mabuti na lamang ay walang nakakita nun at muntik ko ng makalimutan na mayroon ako nun.
Nung nagdaang araw ay hindi iyon visible pero pagtingin ko ngayong umaga ay kitang-kita na naman iyon at hindi na lamang sugat ang nandoon kundi nagkaroon iyon ng itim na linya na mas kitang kita ang mga simbolo.
Nagmukha iyong tattoo dahil sa itim na nakalagay doon. Ang sabi ni Doc Klein ay baka namuo iyong dugo sa loob o unexplainable reason.
"Darimn nakalabas ka na pala hindi mo man lang kami sinabihan" bati sa akin ni Aiden na mukhang galing sa Guerreier House. Nginitian ko siya habang sumabay siya sa akin na maglakad.
"Nung umalis kasi kayo sakto naman na pinaalam sa akin ni Doc Klein na pwede na raw akong umalis" pagbibigay alam ko sa kanya.
"Ganun ba? Hindi ka man lang namin nasamahan. San punta mo ngayon?" pinakita ko sa kanya ang hawak kong envelope.
"Ibibigay daw to kay Captain. Nandun ba siya sa Domus House?" tanong ko sa kanya. Nagisip pa siya bago sumagot sa akin.
"Siguro. Pag ganito kasing oras it's either nasa Tenebrose siya o sa Domus House. Samahan na lang kita" nakangiti nitong ani sa akin. Tinawanan ko siya habang tumatango. Ang cute niya.
Nakataas na kami sa building at mukhang tama ang pinuntahan ko na nandito nga si Ethan. Narealize ko na masyado ko ng alam ang mga presensya ng mga kasama ko sa Domus na kahit paghinga nila ay alam ko kung kanino galing.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Aiden at pinauna akong pinapasok. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako pumasok sa loob.
Nakita ko na nagulat si Ezra ng makita ako sa pinto habang nagaayos ito ng libro sa isang shlef.
"Hala Darimn kailan ka pa nakalabas?" agad itong tumungo sa akin.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...