"Happy birthday to you~"
"Happy birthday to you~"
"Happy birthday dear sister~ Happy birthday to you~"
Malakas na patak ng ulan ang naririnig ko mula sa bubong ng kwarto ko.
"Halika na apo! Bumaba ka na diyan!" napangiti ako ng maamoy ang paborito kong pagkain na niluluto ni Lolang tuwing birthday ko.
Isa itong panaginip. Nasa panaginip na naman ako.
Suot-suot ko ngayon ang kulay lilang bistida na binili ni Lolang sa Sentro.
Nakangiti akong bumaba sa kwarto ko at nakita sila Lolang at Lolo sa sala na may hawak-hawak na maliit na cake na may nakasulat na 'Maligayang Kaarawan Darimn!'
Napakagandang panaginip.
Ngunit parang nawala iyon ng umiba ang lahat.
Bago ako makatuntong sa sala ay parang nahulog ako sa butas at ang tangi ko lamang nagawa ay sumigaw.
Sumisigaw ako ngunit hindi ko marinig ang aking sarili.
Unti-unti napalitan ng maitim na kapaligiran ang buong bahay namin at nawala sila Lolang sa paningin ko.
"Lolaaaaaang!" mahaba kong sigaw habang nahuhulog sa maitim na bagay.
Wala akong makita kundi puro itim. Hindi ko alam kung kailan ako babagsak at ano ang babagsakan ko.
"Tulooooong!" mahaba kong sigaw sa kawalan.
Abot-abot ang hininga kong nagising sa panaginip na iyon.
Para akong nagising sa mahabang panaginip at pagkakatulog. Anong oras na?
Suminghap ako.
Panaginip na naman.
Malakas akong nagpakawala ng hangin at naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko.
Si Jaycee.
Oo nga pala sinamahan pala ako ni Jaycee kahapon dito sa kwarto at nakita ko na lamang siyang nakatulog sa tabi ko kaya hinayaan ko nalang.
Muli kong naalala ang narinig ko kagabi sa pag-uusap nila Amory sa labas. Hindi nila alam na gising ako at naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
Natuon ang paningin ko sa libro na nasa study table ko. Nagtaka ako kung bakit nandoon iyon at nakabukas pa.
YOU ARE READING
Aeonian Academy
FantasyEternity Eternal Everlasting An Everlasting Trust, An Everlasting Love. Mind full of innocent thoughts, Mind full of burden feelings. She is the heart of forever, She is the key of success. How she changed her life beacuse of a dream. Not once,twic...