Pagkatapos ng araw nang nakipag hiwalay si Ace ay siya namang ikinadating ng mga magulang ko galing states. I need to end my sister's evil plans!
Nang pumatak na ang tanghali ay kaagad akong pumunta sa bahay namin. Pinagbuksan ako ng gate nung guard at pag hinto ko sa main double doors namin ay nakita ko agad si manang Elsa. Its been a long time, ngayon nalang ako ulit nakatungtong dito. I missed my home, i missed my family.
"Maggieee!" sigaw ni Manang Elsa atsaka sya tumakbo papunta saakin para yakapin ako.
"Hi Manang, i missed you po." garalgal ang boses ko at sinuklian ko naman ang yakap niya.
"Nakuuu! Etong alaga ko, dalagang dalaga na! Halika at pumasok ka na, kakadating lang ng mommy at daddy mo." Mangiyak ngiyak na sabi ni Manang Elsa, pumasok kami sa mansion namin at nadatnan ko ang mga bagahe nila mommy at sinabi saakin ni Manang Elsa ay nasa kwarto sila at nag bihis saglit kaya naghain muna siya ng makakain ko. Kinakabahan ako, gusto ko sanang kwentuhan si Manang kaya lang walang gustong lumabas sa bibig ko.
"Osya, saglit lang Maggie ha? At ako'y pupunta muna ng kitchen, i-chechek ko lang yung mga nagluluto para sa lunch niyo." Tumango ako kay Manang atsaka siya naglakad patungong kitchen.
"Mommy!" tawag ko sa babaeng abot langit ang ngiti, pababa galing ikalawang palapag. Makinis at mukhang dalaga padin ang mommy ko. Parang wala man lang bakas stress sa mukha ni mommy.
"Maggie, anak!" nag half run siya sa staircase at nang nahagkan na niya ako ay saka niya ako yinakap ng mahigpit.
"I missed you, mommy." and my tears burst out from nowhere.
"I missed you too, Baby." Kumalas siya sa yakapan namin at saka pinunasan niya ang luha ko at maging ang luha niya. Hinalikan niya ako sa magkabilaang pisngi at sa noo.
"Baby, how are you? How's your study?" sunod sunod na tanong ni mommy, umupo kami sa sofa atsaka duon ay nagkamustahan kami. Parang nalusaw lahat ng sama ng loob ko sakanila after how many years na pag iwan saakin.
"Mom, where's dad?" tanong ko. Dahil kanina pa hindi bumababa ang ama ko.
"I think he's on the phone right now, talking to his amigos. We've closed a deal kasi bago kami umuwi dito sa Pilipinas." Oh yeah? business shits.
"Ohh." Yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Seriously? buong buhay nila umikot sa business ni hindi na nila naaalala na may anak silang kelangan ng aruga at atensyon.
"Nagkita na ba kayo ni Sasa?" mom asked. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Shit..
"Yes, is she here?" i wonder where she is para magkaalaman na. Napakabitter ng ate ko! So what kung masasaktan ako? Ako naman ang masasaktan and not her.
"I guess she's not here, maybe nasa condo siya."
"Mom, i need to tell you something." humalukipkip siya at tinaas ang kanang kilay niya.
"What is it, honey?" I breathed heavily, here we go.
"Do you remember Ate Sasa's ex boyfriend?"
"Hmm.. Yes, Drew Alejandro? Why?" Shit, this is it.
"I-I'm d-dating his brother, A-Ace Alejandro." Nagkanda utal utal na ako at napayuko dahil alam ko luluwa ang mga mata niya sa sobrang gulat, but no, I was wrong. Ako ang nagulat sa reaksyon niya, nakangiti si mommy.
"Aren't you gonna be mad at me?" nahihiya kong sabi. Hindi pa din matanggal sa mukha niya ang abot langit niyang ngiti.
"Of course not, honey! Bakit ako magagalit? Just because Drew dump your sister does it mean dapat akong magalit sa relasyon niyo ng kapatid niya? I'm not bitter anak. We should learn how to forgive and to forget. Let bygones be bygones and besides, your sister became a better and tough woman since she was moved with us in states." Napaawang naman ang bibig ko dahil sa mga sinabi ni mommy. Oh Holy Mother of Jesus Christ. Thank goodness!
"Hindi talaga mommy? You sure 'bout that?" ngiting ngiti kong tanong.
"Hmm, kelan mo ba siya balak ipakilala saamin?" umismid si mommy ng very light atsaka siya ngumisi.
"But mom, si Ate Sasa yung bitter. She was forcing me to go to states with her. At itinutulad niya ang relasyon nila ni Drew saamin ni Ace. But i've met Drew, he's now a successful and better man."
"Yeah, I've met him also. He tried to make a partnership with us in states pero tinanggihan namin iyon ng daddy mo. Then we've realize, why the past bothering our present. He proved hisself that he was a changed man. Nung tinanggihan namin siya dun lumago ang business niya. He was motivated by us, Maggie." Unti unting nag sisink-in sa utak ko lahat ng mga sinabi ni mommy.
"No worries, honey. Ako na ang bahala sa ate mo. I'll talk to her. Just set a date, kung kelan mo ipapakilala saamin ang isang Alejandro." nginitian ako ni mommy at sabay yinakap ko siya.
"You're the best mom. Thank you." bulong ko sakanya.
"Babawi kami anak, sa mga taon na nakalipas na wala kami ng daddy mo sa tabi mo. Now, we're back."