"I don't understand Ace *sob* make it *sob* clear." kumalas ako sa pagkakayakap saknya at tinignan ko ang mga mata niya.
Hinila ko siya hanggang sa labas ng unit ko. "Say something Ace! What are you talking about?!" sinigawan ko na siya dahil parang napipi siya nung nagsalita ako.
Huminga siya ng malalim at lumihis ang tingin niya. "Okay Maggie, i know you won't believe me."
"Cut the bullshit Ace and tell what's going on?!" arrggh! naiinis na akooo!
"*sighs* i don't know where to start but here it goes, there's a girl.. oh no wait, there's an amazing girl caught my heart since high school days. Ewan ko pero tinamaan talaga ako nung nakita at nakilala ko siya. Sabi nila di mo naman kelangan ng explanation pag dating sa love. Like suddenly you're going to be in love with that person without conditions and explanations. Love is weird and crazy. Ang weird kasi bigla ka nalang may mararamdamang kakaiba, yung bibilis agad yung tibok ng puso mo pag makikita mo siya. And I'm seriously crazy in love with you Maggie Vizconde."
Unti unting nag si-sink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi niya. It means since high school days in love na siya sa akin?! ang hirap paniwalaan neto kasi nga school player siya. Ayokong maniwala pero nakikita ko sa mga mata niya na bawat salitang binitawan niya ay walang bahid na kasinungalingan.
"B-bakit ngayon mo lang sinasabi to? Parang hindi naman yata kapani paniwala yang mga pinagsasasabi mo." angal ko sakanya.
"Pssshh! Yeah i know you wouldn't believe me. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sayo, pero ayokong nakikita kang umiiyak. Yun yung dahilan kung bakit ayokong mapalapit ka saakin, kasi player ako ayokong masaktan kita. Okay na ako sa makita kang masaya, parang gusto kong pumatay ng tao every time i see you crying."
Ang dami ko pang gustong itanong pero parang napipi ako. Natutulala ako sa kawalan pag nag e-explain siya.
"I love you Maggie, hindi mo alam merong nagmamahal sayo ng palihim. Etong player na to may tinatagong sikreto. Naduduwag akong umamin sayo and the main reason is, I don't want to see you crying because of me."
"That's enough Ace! Masyadong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo." walang gana kong sabi.
"Alam ko Maggie, pero please bigyan mo ko ng pagkakataon para mapatunayan sayo lahat ng sinabi ko." pagmamakaawa niya.
"I'm tired, i wanna take some rest. Umalis kana pakisabi nalang kay Ethan may pupuntahan pa ako." pinagod ako ng kakaiyak, pinagod niya din ang utak ko dahil hindi ko siya maintindihan. Hinablot ko ang bag ko at iniwan ko na siya sa labas ng unit ko.