Chapter 29: Drunk on our tears

142 4 0
                                    

Simula na ng second sem at syempre kaklase ko pa din si Fia. Nag taxi ako papuntang school dahil na kay Ace pa din ang sasakyan ko.

Pumasok na kami ni Fia sa first class namin, habang talak ng talak ang professor namin ako naman isip ng isip tungkol kay Ate Sa. Simula kasi nung nangyareng pag sampal saakin ni ate ay hindi niya na ako pinuntahan ulit sa condo ko. Siguro ay hindi na niya maatim ang paghintay saakin.

*Class dismiss*

"Uh, Fia nakita mo na ba si Ace?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang Coffee Acad.

"Why? you miss him na?" sabay ngisi.

"Hindi no! Yung kotse ko kasi kukunin ko na! Tss." inirapan ko siya at biglang nakita ko si Ace nakikipaglampungan sa dalawang babae niya.

Shiiiit!!!! How could he! May kasalanan pa siya saakin pagkatapos nambababae na siya agad?! Siguro nga ego trip niya lang yun. That fucking asshole school player!!!!

"Axcel Alejandro! Where's my key?" natigilan sila sa lampungan nila at agad niyang ibinato saakin ang susi ko buti nalang at nasapo ko kaagad kundi matatamaan ako sa mukha. Pagkatapos niyang ibinato yun ay back to the biz na siya.

"You asshole! Tama ang pinsan mo!" sigaw ko at tinignan niya ako ng deretso. Kita ko sa mga mata niya ang guilt at lungkot. Pero naiinis ako! Lalo na't may mga kalandian nanaman siya.

Inaya ko si Fia na tumambay nalang sa Amo Yamie kesa naman sa kung nasaan ang mga linta. Baka di ko matiis balatan ko sila ng buhay.

"You alright, besh?" nag-aalalang tanong ni Fia.

"Yeah, i'm fine. Everything will be fine." nginitian ko siya pero ang mukha niya ay sobrang nag-aalala.

"I'm always here for you, besh. I just want you to know that." hinawakan niya ang kamay ko at bigla akong naiyak. Si Fia nalang talaga ang natitira saakin.

"Shhh, don't cry Mags." tinabihan niya ako atsaka niyakap.

"Alam ko na nangyare sainyo ni Ate Alyssa. Kinausap niya ako para mapapayag kang sumama kana sakanya sa states." halos mapiyok na siya, alam kong naiiyak na din ang bestfriend ko pero pinipigilan niya lang.

"What?! That won't happen! Hinding hindi ako sasama sakanya! Sila ang dapat umuwi dito!" kumalas ako sa yakapan namin.

"I think it's better to give them a chance Maggie. Iniwan ka man nila pero atleast binabalikan ka nila ngayon para makabawi lahat sa mga pagkukulang nila. Pamilya mo pa din sila Mags, kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo." naluha na si Fia at parang tinatarak ang puso ko.

"Ikaw nalang ang natira saakin Fia. Ikaw ang naging pamilya ko nung iniwan nila ako. I won't leave you Fia for Godsake!"

"Ayoko mang umalis ka pero you have to. You should give them a chance. Take a break for all of your issues in your family. Look at the bright side Maggie. We all deserve a chance." nag iyakan lang kami ng nag iyakan. Angsakit saakin na umiiyak ang bestfriend ko.

Simula pagkabata siya na ang matalik kong kaibigan hanggang sa iniwan na ako ng pamilya ko. Mahirap para saakin na iwanan ka Sophia Choi. Hindi ako aalis. Sila dapat ang bumalik.

Nang makauwi na ako ng condo ay biglang nagtext saakin si Ace.

*Buzz..*

From: Ace Alejandro

Meet me outside.

Kapal din ng hiya neto e'no?!

To: Ace Alejandro

Manigas ka! You damn player!

Narinig kong bumukas ang pinto ng unit ko..

"AXCEL!?!?!!"

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon