"Finally!! Kayo na ng little brother ko, i'm so happy for the both of you! I know you guys are meant to each other." She tightened her hug and i smell her familiar scent. Amoy anak mayaman talaga.
"Hehe, thank you Ate Cassy." Kumalas siya sa yakapan namin at umangal.
"Cassy nalang. Pinapatanda mo ko e." Malambing niyang sabi at sabay nguso. Ang cute cute niya. Pero teka, halata ko sa mga Alejandro sibs, ayaw nilang pinagmumukhang silang matanda, huh.
"Cassandra! Stop annoying Maggie!" ayun na yung gwapo kong boyfriend. Emehged! Lumapit siya saakin at yinakap niya ako.
"Sorry for my annoying sister." Sweet nga ng ate niya tapos annoying? Nakadroga yata tong si Ace e.
"Duh! I didn't annoy her besides i like her so much!" She said in a super girly way.
"Let's go inside." Drew said with a persuasive authority.
"Wait a second, Alejandro sibs." sabat ni Fia. "I need to go home na din, we have a family dinner kasi tonight. So, i'll go ahead." Pinandilatan ko si Fia at sumenyas siya ng 'ako-na-bahala sa-requirements mo.'
"Okay, manong!" Tawag ni Drew sa driver.
"Yes sir?" sagot ni manong driver. "Drive her home. Fia, tell manong kung san ka ibaba." Tumango si Fia at dali dali silang sumakay sa SUV ni Drew.
And me? Trapped to Alejandro's. Thanks to Fia, for better for worse talaga siya.
"Come inside, babe. My mom wants to meet you." nakaakbay saakin si Ace at pumasok na kami.
"Hindi mo ko ininform na ngayon mo na ako ipapakilala, ano ba yan Ace. I'm not ready oh." Angal ko pero nginitian at kinindatan niya lang ako.
Nadatnan namin ang mama niya na nakaupo sa sofa while reading a magazine. Ang tangos ng ilong. Espanyol ang mukha, makinis at sobrang ganda. Bigla siyang napatingin saamin at itinigil ang kanyang pagbabasa.
"Mom, this is Maggie Vizconde. My girlfriend." he finally introduced me to his mom. My heart was beating fast, ganito kaya si Ate Sasa nung pinakilala siya ni Drew.
"A Vizconde." Mrs. Alejandro spat out. It chills me, maybe she remembered about my Ate before.
"Good evening po." I bow then smiled at her.
"Is your sister named, Alyssa?" Oh no, she looks so serious.
"Yes po, she's my sister." i replied politely. Then she finally smile, her smile was like Ace's smile.
"Nice meeting you, Hija. I hope Drew and Alyssa were fine afte--" Drew cut his mom's saying.
"Mom, please." He said in his iritated voice.
"Oh, i'm sorry son. Anyway, Maggie come join us in our dinner." Mrs. Alejandro invited me and their maid gave her the telephone.
"Ma'am, si Sir Alexander po."
"Excuse me." Kinuha niya ang telepono at ngumiti siya saamin.
"Babe, it's fine. Mom likes you." he wiggle his eyebrows then i smile. Bigla namang nawala sa eksena sina Cassy at Drew. May lahing ninja ba tong mga to.
- -
While we're eating nagkwentuhan lang kami ng Alejandro fambam pero may MIA din. Yung padre de pamilya. Sabi ni Mrs. Alejandro, nasa Canada daw si Mr. Alexander at busy sa business nila. Hayy Business World!
Sa buong eksena ng dinner ay hindi umiimik si Drew, dahil siguro kanina. Mahal niya pa kaya yung ate ko? Siguro pag nagkita sila ulit ng ate, babalik na yun sa katinuaan niya.
"Thank you po for a wonderful dinner, Mrs. Alejandro." nasa double doors na kami ng mansion ni Ace dahil ihahatid niya na din ako.
"Call me Tita Carmie. Masyadong formal ang Mrs. Alejandro." angbait ng mama nila, i was expecting na like sa mga teleserye na hindi ako tratratuhin ng maayos.
"Sure Tita Carmie." Bineso-beso ako ni Tita Carmie at ni Cassy. Si Drew bigla na namang nawala. Weird nun ha, kanina lang nung nasa sasakyan kami tanong ng tanong about kay Ate Sa pero nung ioopen ng mama niya yung topic biglang nairita. Bipolar.
"We'll go ahead, mom." paalam ni Ace.
"Drive safely, my son." At hinalikan niya si Ace sa pisngi. Sweet ng mama niya, namimiss ko na tuloy yung mommy ko.
"Of course mom, i will take care of my princess." Inakbayan ako ni Ace at namula naman ako sa sinabi niya. It feels so damn good.
"Aww, how sweet! Our baby boy was totally grown up mom." natawa namin kaming lahat except kay Ace.
"Shut up Cassandra. You're so annoying. Let's go, love." kumaway muna ako kina Tita Carmie at Cassy bago sumakay sa sasakyan.
Pagkapasok ni Ace ay bigla niya akong hinalikan. "Thank you for making me happy."
