Chapter 17: Basketball

178 6 0
                                    

Last day na ng sportsfest namin at nag champion kami sa volleyball. Sobrang saya ni Fia, mas masaya pa saakin. Nagchampion din naman ang cheering squad nila.

"Hey! Congrats!" si Ace pala at inaabutan niya ako ng towel and bottled water.

"Thankyou!" at nginitian ko siya.

"Championship na din namin mamaya, i need you to be there." nginitian niya ako at medyo uminit ang pisngi ko.

"Uh.. Okay, what time?" tanong ko para di mahalatang medyo kinikilig ako.

"Mga 5 pm pa. I-cheer mo ko, huh? para mvp ako ulit." gwapo mo talaga Ace Alejandro! kahit pa magdamag kitang i-cheer e!

"No need to cheer you, mvp ka naman taon taon e."  ngumisi ako then he frowned.

"Hayy. Sige na ngaaaaa. I won't force you to do it." walang gana niyang pagkasabi, nakoooo naamoy ko may nagpapakonsyensya a.

"Hmm, oo na! baka matalo pa kayo kasalanan ko pa!" pagbibiro ko at nakita ko naman na umaliwalas ang mukha niya, kulang nalang mapunit na yung mukha niya sa laki ng ngiti niya.

"So, i'll see you later. Don't forget to eat your lunch. Magpapakundisyon pa kami. Take care, aryt?" malambing niya paalala, tumango ako at tinapunan ko siya ng matamis na ngiti. Atsaka siya naglakad papunta sa teammates niya.

"Huy besh!" halos mapatalon ako sa gulat sa pagkakahampas saakin netong si Fia. ANSAKET HA!

"Ouch! Chekwa naman! Kanina pa kita hinahanap! Where have you been?!" iritado kong sabi saknya.

"Asuuuus! Nakapag moment na nga kayo ni Mr. Player e!" wow, kinilig?!

"Ewan ko sayo. Tara na nga maglunch na tayo! ikwekwento ko pa sayo yung mga nangyare kahapon, save your energy!" humaglpak naman siya sa tawa ng parang nasisiraan ng ulo.

While we're eating, nagkwento ako sakanya about sa nangyare kahapon. She was really shocked about Ace's past. Dami niyang tanong, yung iba di ko msagot pero yung iba nasasagot ko naman. Little by little, naiintindihan niya na din ang rason bakit ganyan si Ace na sobrang babaero.

4:30 pm nang nagtungo na kami ni Fia sa arena para sa championship nila Ace. May mga dala kaming red pompoms pang cheer. Duon kami pumwesto sa crowd namin na puro naka red.

Red vs. Blue.

30 mins. before the game ay puno na ang arena. Nagsimula nang magwarm up ang mga players at nagsisigawan na ang mga tao.

"Wooo! Go red pirates!!!" "Goooo baby Ace!!!" "Let's go Ace! You can do this sweety!!" Nakakairita tong mga tong humihiyaw para kay Ace! Gusto kong ihampas sa mukha nila tong mga dala kong pompoms e! Arrggh!

There i saw Ace, focus na nagsho-shoot ng bola. Solid ang gwapo niya. Kaya napatili ako ng pagkalakas lakas!

"GO ACEEEE!!!! Laban!! Puso! Puso! Puso Ace! Let's go! Fight! Yeaaah! Wooooh!" napansin kong ako nalang pala ang nagcheer at nakatayo pa! Nasaakin ang lahat ng atensyon ng red crowd at ng mga players.

What the hell!!!! This is so embarrassing! Kung pwede lang lamunin muna ako ng semento dito o! All eyes were looking at me! What's wrong people?! Natigil ako sa kahibangan ko at nakita kong natingin si Ace saakin, sobrang laki ng ngiti niya na halos matawa na.

Kinawayan niya ako, at kumaway din ako habang papaupo ako. Ano ba yaaaan! Nacarried away ko! Nakakahiya, sagad to the bones!

"What was that Margarita Nicole Vizconde? HAHAHAHAHAHA!!!!!!!" Eto na, humagalpak na sa tawa tong si chekwa. Sobrang init ng pisngi ko sa kahihiyan. Siguro sobrang pula ko na din.

"Stop it Fia!" sinigawan ko siya pero di pa din siya tumitigil sa tawa.

"I've never seen you like that before Mags. Hahahahah! Ano to? Fiba world cup? Gilas Pilipinas? PUSO! PUSO!" Lumuluha na siya sa tawa at narealize kong sinabi ko nga pala yung 'puso' 'puso', natawa na din ako sa kagagahan ko.

Napansin ko namang di na natanggal saakin ang tingin ni Ace. Nagsimula na ang game. Nakuha agad ni Ace ang bola at aakmang mag tri-3 point, tumingin muna siya saakin at bago niya ito shinoot.

Then… BOOOOOOM!!! PANES KAYONG LAHAT! PASOK! WALANG MINTIS! Pagtapos ng shot na yun ay kinindatan niya ako at sobrang kinilig at naghiyawan ang buong crowd namin. Si Fia halos mangisay sa sobranh kilig, konti nalang bubula na bibig neto. HAHAHA!

"Grabe galing galing talaga ng Ace mo!" hiyaw ni Fia. "Yaah, i know right." eto nanaman ako, nagmamafeeling.

4th quarter na at 12 secs. nalang! Lahat kami kinakabahan na dahil lamang ang kalaban ng isa! Pero sa team nila Ace ang bola. At dahil magaling talaga si Ace my lovess. Nag 3 points ulit siya, pasok and we won!!! Yahoooo!!!

MVP na naman si Ace. Nagcheer na kami ng nagcheer at sobrang saya ng red crowd. Yas!!

"Maggie!" pamilyar ang boses na tumawag saakin and there, si Ethan papalapit saakin.

"Hi! Congrats." nginitian ko siya at busy akong naghahanap kay Ace.

"Thanks! wanna have dinner later? treat ko for winning this sportsfest." nginitian niya ako, pawis na pawis siya pero mabango pa din ang amoy niya. Nagdadalawang isip ako kasi si Ace yunh gusto konh makasama and not his cousin.

"Uhmm.. An-" di ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla siyang nangulit.

"Please Maggie? just say yes." pinagdikit niya ang dalawang palad niya na parang nagdadasal. How can i resist on this kind of situation? hayy.

"Hmm, okay Ethan. I'll see you later." mahinahon kong sabi. Kita naman sa mukha niya ang saya.

"Yes!! I'll fetch you later at your condo, around 7 pm. See you!" at hinalikan niya ang pisngi ko. Damn this guy!

"Ehem! may i interupt you besh? may naaamoy akong selos dun o. Yunooo, nasa bench." siniko ako ni Fia at nakita ko naman si Ace na kanina pa nakatingin saakin.

Shit, nakita niya bang hinalikan ako ni Ethan sa pisngi? Umiigting ang panga niya at napakaseryoso ng tingin niya saakin habang tumutulo ang pawis niya. He's so hot! handsome, his sex appeal really freaks me out! Lalo na yung tingin niya saakin.

"OMG." walang ibang salitang lumabas sa bibig ko kundi iyon.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon