Nang makarating kami sa unit ko ay umupo siya sa couch at nag tanggal ng sapatos. Mukhang pagod na pagod siya at tipsy pa.
"Bakit ka nga pala nandun kanina sa bar?" tanong ko sakanya. "Ako dapat magtanong niyan sayo. Bakit ka naduon?" seryoso niyang tanong. Hindi ako sanay sa mga kinikilos niya, halata kasi sakanya ang pag aalala.
"I just tried something new." maikling paliwanag ko. "Tried something new huh? Why don't you try to date me? Let's get to know each other instead of going to a bar." malambing niyang sinabi. Ganito ba talaga tong player na ito? Sa ganitong paraan niya ba nakukuha ang loob ng mga babae? tss.
"Player moves huh?" mahinang sabi ko pero narinig pa din niya. "Just try to catch up with me baby, we won't waste a single moment. You will never regret this." seryoso pa din ang gwapo niyang mukha.
"You know what? itulog mo nalang yan Ace. Madaling araw na o!" sabay bato ko sakanya ng throw pillow. "Dito ako matutulog?!" wow at nagreklamo pa! "There's only one room in this unit. Anong gusto mo, magtabi tayo?!" pasigaw kong sinabi sakanya. "Ayaw mo ba?" at nangiti pa tong tukmol na to!
"Bahala ka sa buhay mo! Matulog ka kung gusto mo! Kung ayaw mo bantayan mo nalang magdamag tong unit ko!" at sinara ko na kaagad ang pintuan ng kwarto ko pagkatapos kong tumalaktalak. Narinig ko pang tawa ng tawa yung asungot na yun. Pervert talaga yung player na yun. Aish!!
Nga pala, wala siyang blanket. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay biglang bumungad saakin ang isang Axcel Alejandro na topless. His 6 packed abs and his chest, samahan mo pa nung mga macho niyang muscles sa braso. Grabe napaka perfect, makakapaglaway ako ng wala sa oras dito e!
"What? Why are you staring at my sexy body?" At napagtanto kong nakatunganga ako sa katawan niya.
"H-ha? a-ano kase! Uhm, ano na kase to? Ay h-hindi, etong blanket! oo etong blanket ibibigay ko sayo. Baka kasi lamigin ka." bigla siyang humaglpak sa tawa. Halaaa Maggie kumalma ka kaseee!!
"I don't need your blanket. I just need to sleep in your room. Damn! ang init kaya dito Maggie!" medyo naiirita na siya. "Dahil sa alcohol yan! Wear your effin' shirt first! dun ka sa floor! ipaglalatag nalang kita ng comforter." sinunod naman niya ako agad at pumasok na siya sa kwarto.
Naayos ko na lahat at ayun, nahiga na siya. Humiga na din ako sa kama ko. Ramdam ko na gising pa siya dahil kinakalikot niya pa yung phone niya.
"Matulog kana." malamig kong sabi. "Nawala antok ko mamaya na." malamig niya ding sabi. "Dederetsahin na kita Ace, wala akong tiwala sayo. Malay ko ba kung may gawin kang iba saakin. School player ka e." walang preno kong sinabi sakanya.
"I know and I admit that i'm a school player. But i still do have a respect. Don't judge me, you don't know me well. Kilala mo lang ako sa pangalan, Vizconde." napaupo siya sa pagkakahiga niya at magkaharap kami ngayon.
"Try to know me well, Maggie. You just need to try. Walang mawawala, try to know my real story, my sides, my flaws. I'm sure pag nalaman no na lahat, maiintindihan mo na tong School Player na to." deretsong tingin niya saakin at napakaseryoso niya.
Hell! what's wrong with this player?!
"I'll think about it Ace. Matulog kana." nahiga na siya at natulog. Habang natutulog siya ay pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha. Ano nga ba kasi ang totoong kwento bakit naging ganyan ka Axcel Alejandro? Will i try to know you more? Hmmm. Wait.. Tekaa. Sandali..
Bakit angbilis tumibok ng puso ko?!