*kringggg* 7 am na pala. Nga pala may pasok pa kami ni Fia ng 9 am, di kami pwede ma-late dahil may activity pa kaming gagawin sa nat. scie.
Nauna nang naligo si Fia at nagprepare muna ako ng breakfast namin. Pagkatapos kong maligo ay tinuruan ako ni Fia mag ayos ng sarili.
"You should learn how to put a simple make up. Simple ka kasi kaya dapat light lang, mas babagay sayo." I put a face powder, light blush on, mascara and red lipstick. Si Fia na ang nag ayos sa kilay at hair ko. Expert talaga tong bestfriend ko.
And now, sa outfit naman. I'm wearing a color dirty white croptop na nakapa-ekis ang design sa itaas and matched with a black skater skirt and a color cream wedge.
"You look so perfect besh." nagniningning ang mga mata ni Fia habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Well, thanks to my beautiful stylist, Fia Choi." then i winked at her with a smile.
Nasa school parking lot na kami, pagkababa namin ng car ay nakita ko kaagad si Ace na pababa sa strada niya.
"Oww, what a coinscidence, huh?" nakangising sabi saakin ni Fia. Nagtama ang mga mata namin ni Ace at halata ko sakanya na napatigil siya ng kaunti.
"Go girl. I'll go ahead." bulong saakin ni Fia at naglakad palayo.
"Hey there, gorgeous lady! Gumaganda ka Maggie, huh." he winks at me. "So? What do you care, huh? Player!" pataray kong sabi sakanya.
"Woaaah, me? Player? No sweety, sila ang kusang dumidikit saakin. Kasalanan ko ba na gwapo ako?" palapit niyang pagkasabi saakin at nadikit ako sa sasakyan ko. Itinulak ko siya ng bahagya.
"Duh! Excuse me? Flirting in a public place with different girls? Hindi ba tawag dun ay player? Playboy!" "Ouch baby, you're hurting me." Sabay hawak sa dibdib niya. Sheeez! Ang gwapo niya, naka black v-neck shirt siya. Maroon pants at naka janoski. Okay Maggie just stay calm!
"I-I'm sorry, I better keep going. Male-late na ako." bigla niya akong hinila, napaharap ako at sumbubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Tumingin ako pataas sakanya. "Sabay na tayo. We're on the same way naman, right? Nat. scie?" Tumango nalang ako at hinawakan niya ang kamay ko.
Naglalakad kami papunta sa class namin. "Oh my, may new victim nanaman si Ace." "That's one of his BITCH." bigla akong napatigil sa grupo ng mga babae na nagbubulungan. Kumalas ako sa pagkakahawak saakin ni Ace at nilapitan ko ang mga usisera.
"Excuse me, let me introduce myself. I am Maggie Nicole Vizconde. Did you say that I'm one of his BITCH? And who the fuck are you?" pataray kong tanong. This is one of my side, PALABAN. Vizconde to e!
"I'm sorry, Maggie Vizconde, i thought--" "Kung gusto niyong respetuhin kayo, matuto kayong rumespeto." at tinalikuran ko sila. "Damn woman, you're so feisty! pinapabilib mo ako." mangha niyang sinabi saakin.
"Shut up! I don't give a fuck, player. Just stay away from me!" at bigla ko siyang iniwan. Gosh! napaaway pa ako dahil sa playboy na yun! Basta Vizconde hindi nagpapa-api dahil nasa lahi na namin yon.
Nang nakadating ako sa class namin, i sat beside Fia. "What happened? you look so mad." nagtataka niyang tanong. "Pinagsabihan ko lang yung mga member sa harem ni Axcel. But that's nothing." kalmado kong sinabi. "Oh, i see. Alam ko namang di ka magpapatalo." and she winked at me. Kilalang kilala na ako neto.
Bigla namang pumasok si Ace habang nagdidiscuss ang prof namin. "There you are. I've been looking for you, woman. Damn, you just left me hanging there. Tss!" nagrereklamo niyang sabi at naupo sa tabi ko.
"Just stay away, player." then he chuckle. "Yan ang gusto ko sa babae, nagpapakipot. The more you resist, the more i insist." pabulong niyang sinabi saakin. Damn, it chills until bones! LET THE GAME BEGIN!