[A/N: After a looooooooong wait!!!! Weirdee is finally back!! :D Sorry my dear readers! Kung si Sasa may evil surprise ako din may surprise but ikatutuwa niyo naman 'to, Promise!!!]
--
*ding dong..* *ding dong*
"Good morning, babe! I brought some foods, as you've said sabay tayo magbebreakfast." Isang lalaking kasing gwapo at katindig ni Adonis ang tumambad sa harap ko nang pagkabukas ko ng pinto.
"Wow, I'm impressed at 7:30 in the morning!" Nagising lang kasi ako sa doorbell niya, ni hindi pa nga ako nag toothbrush e. Lol!
"I decided to make it early para hindi tayo ma-late sa class natin." Inihahanda na niya ang mga dala niya, binuksan niya ang stove at saka ipinainit ang mga ito.
"Wait a second." Pumunta muna ako ng kwarto at inayos ko ang sarili ko. Baka mamaya halikan nalang ako bigla ni Ace, hindi pa ako nagtotoothbrush. Nakakahiya yun!! Huhu. Lol!
"So, how was your sleep?" tanong niya habang kumakain kami.
"Uhmm, actually hindi ako kaagad nakatulog kagabi. I was still bothered about my sister's evil plan." I can't help but to think about it.
"Babe, i'm here. Just take a break for all of your problems. I'll make you forget about them." Hinawakan niya ang kamay ko atsaka ngumiti siya saakin.
"Thank you, i don't where to go and what to do without you Ace." i said sincerly.
"No worries, babe. I love you, i love you more than you do." Thank God for giving me an amazing and supportive man.
--
"Huy, beshie! Ano buhay ka pa?!" biglang nawaglit sa utak ko yung mga iniisip ko nung binulyawan ako ni intsik. Paano ba naman sabay sabay ang mga requirements, tapos next week midterm na.
"Uh eh, sorry Fia iniisip ko kasi yung nga kelangang tapusin. Hanggang ngayon wala pa akong nagagawa." Sabi ko habang naglalakad kami papunta lib.
"What?!" Aray te, makasigaw?
"Patapos na kaya ako sa lahat and because we're in the lib na din, tutulungan na kita." For better, for worst talaga ang peg ng bestfriend ko.
"Thanky, Chekwaa!" Mabuti at half day lang kami today kaya ginawa na namin lahat lahat habang ginagawa namin itong nga shitty requirements ay ikwenento ko sakanya kung anong nangyari at kung paano naging kami ni Ace, hanggang sa maabutan na kami ng dilim.
5:30 pm palang naman pero madilim na, masama ang timpla ng langit at biglang umulan ng malakas. Nasa labas na kami ng library ni Fia, dahil lilinisin at aayusin pa daw ang mga libro at bookshelves.
"Nakuuu! Mukhang walang balak tumigil yung ulan!! Hindi ko pa naman dala yung car ko." iritado niyang sabi habang hinihintay naming tumila ang ulan.
"Shit, di ko din pala dala yung akin. Sabi kasi ni Ace susunduin niya ako e." speaking of Ace, chineck ko yung phone ko at nakita ko tadtad na ko ng text ng prinsipe niyo.
From: Ace Alejandro
Babe, sorry i can't fetch you today. My mom was just arrived at ako ang sumundo sakanya sa airport.
- -
From: Ace Alejandro
Babe, i know your busy doing your requirements. Just text me when you're done.
- -
From: Ace Alejandro
My driver was about to fetch you. Call me when you get home. I love you.
- -
Saktong pagkabasa ko nung last text niya ay mag SUV na huminto sa harap namin ni Fia. Lumabas at dali dali kaming pinuntahan sa kinatatayuan namin ang isang lalaking matipuno, naka Black V-neck, maputi at sobrang kinis ng mukha, mukhang may dugong espanyol.
"Hi, you are Maggie, right?" Wow! eto na ba yung driver nila Ace?! As in DRIVER?! bigla akong siniko ni Fia dahil halatang na star struck ako.
"Uh-uhmm. Yeaah. I'm Maggie and you are?" utal kong sabi.
"I'm your boyfriend's brother. Drew Alejandro." Atsaka siya ngumiti at inabutan kami ng payong.
Nalaglag ang panga ko nung ipinakilala niya ang kanyang sarili. My goodness gracious!! Finally, i met the one who broke my sister's heart!