Chapter 49: Wake up baby, please.

117 4 0
                                    

Ako:

Baby, are you home?

Ako:

Baby? Where are you?

Ako:

Maggie, why aren't you replying?

Nakailang text na ako pero hindi pa din siya nag rereply. I don't want to be a clingy boyfriend but it freaks me out, big time! Kailangan ko na ba siya puntahan sa bahay nila? Shit, binabaliw mo ako Maggie!

*The subscriber's cannot be reach please try again later.*

Fuck! Panay ang mura ko dito sa office ko dahil kanina ko pa hindi macontact si Maggie. Kanina pa ako nakakaramdam ng hindi maganda. Hindi ako mapakali sa swivel chair ko. Hindi ako makapagfocus sa harapan ng laptop. Hindi pwede ito. Kelangan ko nang puntahan si Maggie dahil kung hindi baka maisapak ko na ang sarili ko sa laptop ko.

Inayos ko ang long sleeves ko at itinupi hanggang siko, napagdesisyunang puntahan na si Maggie sa kanilang bahay at nang biglang kumakaripas ng takbo ang aking sekretarya papasok ng aking opisina.

"S-Sir..." hingal na sambit ng sekretarya ko at halos hindi makahinga.

"What is it, Alona?" I felt something strange, i don't know..

"S-Sir A-Axc-" nanginginig ang boses niya.

"Damn it, Alona! Speak!" sigaw ko dahil naiinis na ako. Pumula ang pisngi niya at inayos ang eye glasses.

"S-Si Ma'am Maggie po, na-naaksidente p-po." parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pinagsakluban ng langit at lupa. Sinipa ng sampung kabayo at parang itinulak ako sa walang hanggang bangin.

No. Not fucking again.

Pinaharurot ko patungong Limketkai Hospital ang sasakyan ko.

"No baby, hindi.. hindi. Putangina!" hinampas ko ng malakas at buong pwersa ang manibela at pinatakbo ng mas mabilis ang sasakyan ko. Lumandas ang mainit na luha sa aking pisngi at pinunasan kaagad ito.

"Sir, what happened? Nasaan po si Maggie?" naabutan ko na humahagulgol ang Mommy at Ate ni Maggie. Balisa at umiiyak ng patago naman ang kanyang Daddy.

"Ten wheeler truck smash her car." Bumuhos ang luha ni Mr. Alejandro at nabiyak ang puso ko. Literal ang sakit, parang dinudukot ng sapilitan. Fuck! This can't be!

"Sir, ma'am. Ilililipat na po namin ang anak niyo sa ICU. She's critical at kailangan po siyang obserbahan hanggang hindi nagiging stable ang lagay niya... excuse me sir." anang nurse at tumango nalamang ang daddy ni Maggie habang patuloy na umiiyak ang mommy niya at si Ate Sasa.

"Tita! Oh my God. Ano pong nangyare?" mabilis na dinaluhan ni Sophia ang mommy ni Maggie.

"Ace..." tawag sa akin ni Ate Sasa na sobrang mugto ang mga mata. Nilingon ko siya at hinawakan ang braso ko.

"I'm sorry." simpleng niyang sinabi tumango ako at yumuko. Hindi ko na alam! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Eto na naman ba? Parang nabuhay ang nakaraan ko. Tanya Torres, my ex girlfriend had been there. Ganitong ganito ang pakiramdam. Gusto ko nalang mawalan ng malay.

Dinungaw ko ang salamin na nagpapagitan sa amin. Color blue tubes ang nakakonekta at machine ang nanatiling bumubuhay sakanya. Nanlambot ako sa aking kinatatayuan ko. Nadurog ang puso ko at hinawakan ang salamin. Gustong gusto kong suntukin ito at umaasang magigising si Maggie kapag ginawa ko yun.

Maggie, come on baby. Wake up. Don't leave me please baby.

Bumuhos ang luha ko at napahilig sa salamin. May tumapik sa braso ko pero hindi ko pinansin iyon. Nanunuot sa aking laman ang sakit. Sa puso ko, sa utak ko at sa kaluluwa ko. Bakit? Heto na naman ba? Panginoon, wag Ninyo siyang kunin sa akin. Please.

"Bro, you should rest." umalingawngaw ang boses ni Ethan sa likod ko.

"Axcel, mom is very worried about you. Umuwi ka na muna at sumabay ka nalang kina Mom and Drew pabalik dito." ani Cassy habang hinahaplos ang braso ko. Hinarap ko siya na may luha sa mga mata ko at walang pag aalinlangang yinakap siya. Nagunaw ang mundo ko sa pangyayari. Gusto kong magpahinga sa yakap mo Maggie pero paano ko magagawa iyon kung hindi ka lalaban?

"A-Ace, be strong." humikbi ang Ate ko at yinakap ako ng mahigpit.

Tulad ng sinabi ni Cassy ay umuwi muna ako. Sinusubukan kong matulog ngunit hindi maalis sa utak ko ang kalagayan ni Maggie. Sugatan siya at nasa ICU siya. Tatlong araw na siyang hindi nagigising. The doctors said that Maggie is fighting but still hindi pa nila makukumpirma na stable na siya. She will be stable kung tatanggalin na siya sa ICU room.


"Tita, can I see her?"


"Sure, hijo." tumango si Tita Cecile ang mommy ni Maggie.

Inayos ko ang bulaklak at prutas na dala ko. I sat beside her and I just look at her beautiful Ace. I don't mind her wounds, gumising kana baby. I will take care of you.

Hinawakan ko ang kamay niya. Hinaplos ko ng marahan ang palad niya. "Baby, please wake up. I need you" bumuhos na naman ang luha ko. Heto na naman ang sakit na nanunuot sa puso ko.

Hinalikan ko ng marahan ang kamay niya at nanatili akong nakatitig sa kanya sa loob ng isang oras. Tanging machine lang ang naririnig ko sa loob ng kwarto. Nagdadasal ako na sana ay magising na siya.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon