Chapter 24: Kidnap

139 7 0
                                    

Pag gising ko ay sobrang sakit ng ulo ko, hangover. Dami ko palang nainom kagabi ang last na naaalala ko lang ay yung binuhat ako ni Ethan kagabi at yung pag sigaw ko. Narinig kaya nila Ace yun?

"Oh, eto ice bag." sabay hagis saakin ni Fia.

"Anong oras tayo nakauwi kagabi?" tanong ko sakanya habang siya ay nagpreprepare ng sandwich.

"Mas nauna kayo ni Ethan makauwi, sobrang nalasing ka e. Ano pala naisipan mo at uminom ka ng ganun kadami? Unless you have a problem?"

"H-huh? Me? I-i don't have a problem no."

"Seriously? I know you're jealous. Alam ng buong bayan na malandi si Fille at alam ko din lahat ng gusto mo inaagaw niya. Bestfriend mo ko, alam ko kung may problema ka, kinakainisan or what-so-evah!" Yeaaah, you're so damn right Fia.

"Bestfriend nga talaga kita." sabay nag ngitian kaming dalawa at bigla namang dumating si Ethan.

"Goodmorning girls! Can i join?" malambing na sabi ni Ethan.

"Sure, anong gusto mong breakfast? Ako na maghahanda." alok ko.

"Aww, how sweet." natawang sabi ni Fia kaya naman tinapunan ko siya ng matalim na tingin at napansin ko namang namula si Ethan.

"Uhh, heheh. Angsweet mo nga Mags." kinikilig na sabi ni Ethan.

"Pasasalamat ko na din at hindi mo ko pinabayaan kagabi." sabi ko habang pinepre-prepare ko na ang heavy breakfast niya.

"Alam mo namang hindi kita pababayaan." uminit ang pisngi ko at inihain ko na sa harap niya ang breakfast niya.

*Buzzz*

:Ace Alejandro

How 'bout me? Hindi mo ba ako ipaghahain ng breakfast?

:Me

Manigas ka! Magbreakfast kayo ni Fille dyan!

:Ace Alejandro

Tulog pa siya, sige na please. Habang wala pang nangungulit saakin

:Me

Odi ikaw maghanda para sakanya! Breakfast in bed para mas sweet.

:Ace Alejandro

Angcute mo pag nagseselos

:Me

Pinagsasabi mo?! Hindi ako nagseselos no! Magsama kayo!!!

:Ace Alejandro

Pulang pula kana sa selos pero ang ganda mo pa din. Umaga palang ang ganda na ng tanawin ko.

Yung mokong na to!!! Asan siya?! Nilingon lingon ko na ang buong kitchen at duon sa stairs nakita ko siya. Nakaupo at nakangisi saakin. Tinignan ko siya ng masama at inirapan ko.

"Ace, come! Sit here, kain kana." aya ni Ethan.

"Sure, ginugutom na din ako e." sabi niya at nakangisi pa din siya saakin. Bwiset!

"Manang paki handa nalang po yung breakfast ni Ace." sabi ko at agad naman nag hain si manang.

Aalis na sana ako ng ayain ako ni Ace kumain.

"Hindi ka ba kakain Maggie?"

"Gigisingin ko lang si Fille, sasabihin kong sabay na kayo." asar ka, pangisi ngisi ka pa dyan!

"Kayo na ba ni Fille?" nakiusyoso naman tong si Fia. Kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sakanila.

"Just one of his chics." natatawang sabi ni Ethan, usapang player! Natawa din naman tong si Ace at napangiwi lang si Fia.

Nakoooo mga Alejandro! Nakakastress kayooooo!

Tanghali na at nakaayos na lahat ng mga bagahe namin pauwi. Nakaalis na kami sa isla at pasakay na sana ako sa sasakyan ni Ethan ng biglang kinuha ni Ace ang mga gamit ko, tinignan ko kung paano niya isakay ang mga gamit ko sa sasakyan niya.

Pagkatapos nun ay hinila niya ako at isinakay sa front seat. Mabilis ang mga pangyayare kaya hindi na ako nakatanggi. Pinaharurot niya agad ang sasakyan niya, nang tumingin ako sa likuran ay nakita ko si Fille na nabigla at luhaan. Kung pwede lang kanina pa niya kami hinabol e.

"Finally, quality time for 2 hours of travel." lumaki ang ngisi niya at sinapak ko siya sa braso niya.

"Kidnap to e!!!!" sigaw ko at tawa siya ng tawa.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon