Heto na, midterm week na. Say hello to Hell Week. Buong weekend ginugol ko sa pag rereview. Kahit naman may nag hihintay na trabaho saakin, ay kailangan ko pa ding ayusin ang pag aaral ko. Ayoko namang umasa lang sa family ko for a lifetime. Kelangan ko ng talino at diskarte para mabuhay ako.
2 days na din pala kaming di nagkikita ni Ace, puro texts and calls lang. Sabi niya kasi ay mag aaral din daw siya. Matalino si Ace, MATALINO TALAGA. Grumaduate siya as Valedictorian. At nung first sem ay President's Lister siya. Ako nga Dean's Lister nga lang e.
8:26 am na at ready na ako para sa buong araw na pakikipagbakbakan sa mga exam papers. Kaya mo to Maggie! Nakarating na ako ng school around 9:50 am, after 5 mins daw ay mag sisimula na kaming mag exam.
- -
Natapos ko na ang dalawa kong exams at hindi ko pa din nakikita si Fia at Ace, hindi kasi kami magkasama ng room dahil pinag half kami ng room alphabetically arrange. Choi and Alejandro nasa pinaka harap. I tried to call Ace but he's out of coverage. Ano na kayang nangyari dun? namimiss ko na siya. Pero siguro kelangan niya din talaga mag aral.
*Ringggg..* *Ringgg..*
Fia Choi calling..
"Huy bestfriend!! Where are you!" Sigaw niya sa kabilang linya.
"Andito ako sa Graduate studies student's center. Asaan ka ba?! Magkaroom ba kayo ni Ace?" sunod sunod kong tanong.
"I'm on my way there, kanina pa kita hinahanap no! Anyway, si boyfie mo? Hindi nga pumasok e! Anyare?" bigla naman akong nag alala nung sinabi ni Fia na hindi pumasok si Ace.
"H-ha? Hindi siya pumasok?" Bakit parang nanghihina ako?
"Yep! Anong trip nun sa buhay niya? Wait a second, i'm almost there."
*tut-tut*
Inggratang babaita ito pinatayan ako. Itext ko kaya si Cassy? O baka masyado lang akong paranoid. Siguro busy yun dahil andyan na ang mama at kuya niya.
"Hey! Let's eat lunch first! C'mon." yaya ni Fia at nagpatianod nalang ako sakanya. Parang wala akong ganang kumain pero syempre ayoko namang i-disappoint yung bestfriend ko, kaya kakain nalang ako. Pipilitin ko nalang.
Natapos ang buong araw na pakikipagbakbakan namin sa mga test papers at eto, physically and mentally tired ako. Samahan mo pa ng emotionally stress, kasi kanina pa ako stress na stress kung nasaan na ba si Ace. Halos masabunutan ko na ang sarili ko kakaisip sakanya. Nakuuu!!!
"Tara muna sa condo ko besh?" offer ni Fia pero gusto ko muna mag isa kaya tumanggi muna ako. Nag paalam na siya na uuwi na siya at puspusang pag rereview daw ang gagawin niya.
And me? I don't know where to go. I feel alone, again and again. It sucks, REALLY. Tss.
Papunta na ako ng parking lot ng nakasalubong ko si Ethan na may kasamang dalawang babae habang nakaakbay siya sa mga ito. Ang demonyong ito! Nag alab ang paningin ko, halos pumutok ang mga ugat ko sa ulo dahil sa ngisi niyang pang diyablo.
"Hi, Mags!" Mas lalo niyang nilakihan
ang ngisi niya. "Hi your face!" mataras kong sabi at siya namang ikinatawa niya.
"So, where's my cousin? Iniiwan iwan ka nalang niya ngayon. Tsk tsk." pang aasar niya. Aba punyetang to!
"Fuck off, Ethan! Wala kang pakielam."
"Whether you like it or not, saakin ka pa din babagsak." he dropped an evil smile. Gustong gusto ko siya hampasin sa mukha gamit itong makakapal na librong dala ko! Waaahh!!!
"I thought you were my friend pero hindi pala. Maling mali at naging kaibigan kita." i don't care kung masasakit na ang mga nasasabi ko. Nararapat lang sakanya yun. Traydor siya.
"Don't worry, Maggie. We will be no longer friends, dahil itatali na kita saakin." Aba! ginagalit ako ng gagong to!
"You stupid fucktard!" tumawa lang siya atsaka ako tumakbo papasok sa sasakyan ko. Baka di ko siya matancha ihampas ko sakanya ang mga babaeng nakapalupot sakanya! He's really a devil creature!