Chapter 30: Fight for her

127 4 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sakanya.

"I just want to see you. Nga pala yung car mo ipinahatid ko na din dito. Uhh, sige i'll go ahead." kakaiba, parang sobrang lungkot niya. Pero kanina may kalampungan naman siya.

"Uh-eh t-teka.. Let's talk. Let's settle things." bigla namang umaliwalas ang mukha niya nang narinig niya iyon.

Pinatuloy ko siya sa unit ko, nagprepare muna ako ng snacks atsaka inihain ito sa living room. Umupo ako sa harap niya at mukha naman siyang naiilang.

"Ready to explain?" sabay taas ng isa kong kilay at bigla naman siyang ngumisi.

"I'm not here to explain myself. I just want to apologize. Hindi ko na iiexplain bakit may mga kasama na naman akong babae kanina--"

"Yeah, cut the bullshit, you're a school player." hindi ko na siya pinatapos at umentrada na ako agad.

"Pero alam kong nararamdaman mo kung anong nararamdaman ko para sayo Maggie. Kahit ilang babae pa yan, ikaw pa din."

Seryoso ang gwapo niyang mukha habang nakatingin saakin ng deretso. Parang natuyo naman ang lalamunan ko at walang gustong lumabas na salita sa bibig ko.

"P-pero paano pag umalis ako?" wala na akong ibang naisip na sabihin kundi ito. Paano lang naman, it doesn't mean sasama na talaga ako kay ate Sasa. That's a no no no!

"Kahit saan ka pa pumunta, susundan kita." kalmado niyang sabi, akala ko magfrefreak-out siya. Hehehehe

"Hey! I'm serious!" mataray kong sagot.

"And i am serious too." Wow, haba naman talaga ng hair ko o!!!

*Ding-dong*  *Ding-dong* *Ding-dong*

Ano ba ito! sunod sunod ang doorbell! Tumayo ako kaagad at binuksan ang pinto. Nalaglag ang panga ko ng sumulpot sa paningin ko si Ate Sasa kasama si Ethan.

"What the f--" bulong ni Ethan.

"Still No, sorry." isasara ko na sana ang pinto ngunit napigilan ako kaagad ni ate Sasa at pwersahan silang pumasok ni Ethan.

"And who are you?" mataray na tanong ni ate Sasa kay Ace.

"Axcel Alejandro, my cousin. Brother of your ex boyfriend, Drew Alejandro."

"Shit..." bulong ko sa sarili ko. This can't be happening!

"Ano bang kailangan niyo?!" sigaw ko sakanilang dalawa.

"Paalisin mo to Maggie, kundi kakaladkarin kita papuntang airport." mahinahong sambit niya kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Hell no! Kayo ang umalis dito! At bakit kayo magkasama ni Ethan ate?!"

"Tatarantaduhin ka din niyang kapatid ni Drew! Parang hindi mo naman nakita kung paano ako nasaktan nuon! Gusto lang kitang ilayo sa mga pwedeng manakit sayo Maggie! You're my sister and that's why i care for you that much."

"Nilalason lang ni Ethan ang utak mo ate! Huwag mo kaming itulad sainyo ng Ex mo! At ikaw naman Ethan! I thought you were my friend. Nagkamali ako." kaagad namang lumandas ang luha ko sa aking pisngi. Lumapit si Ace saakin at hinawakan niya ang kamay ko.

"I apologize for what happened years ago Ms. Vizconde. On behalf of my brother, Drew. I am very sorry. Mahal ko ang kapatid mo and i'm willing to fight for her." nabigla ako sa ginawang katapangan ni Ace at nanlaki naman ang mga mata ni ate Sasa.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon