Chapter 46: Who would it be?

106 4 0
                                    

"This is unbelievable!" sigaw ko at lumabas ang aking mga hikbi. Paano nila nagawang magdesisyon para saakin? Hindi na nila inisip ang magiging saloobin ko. Naging makasarili sila.

"Franco and Alyssa, fix this or else... Aalis kami ni Maggie!" Matigas na wika ni mommy atsaka siya nag walk out. Mas lalong gumuho ang mundo ko nang nakita kong mayroong umagos na luha mula sa mga mata ng aking ama.

"I'm sorry anak. I know my decision was very stupid. But Ethan's family was too powerful. Kapag inatras namin ito ay baka sa kangkungan nalang tayo pulutin. Ayaw na ayaw nila ang napapahiya. Alejandro's were good businessmen." yinakap ko si daddy. Yes, i'm angry. Masamang masama ang loob ko. But i can't take to see my family is going to fall apart. No! Nalusaw ang sama ng loob ko sa Ate ko at sa daddy ko. Hindi ko kayang bumabagsak sila. Hindi...

"No dad.... Hindi ko po hahayaang mawasak ang pamilya natin. If this is the only way. I will sacrifice my whole damn life just for this family." humigpit ang yakap ni daddy saakin. Umalingawngaw ang hikbi ni Ate Sasa sa isang tabi. I can feel her guilt. Ngayon palang Ate, pinapatawad na kita.

Lumipas ang mga linggo ay iningudngod ko nalang ang sarili ko sa trabaho. Nagkaroon ng presentations sa mga malaking kumpanya, naging busy nang naging busy pero hindi ko alintana iyon. Hindi problema saakin iyon dahil ang napakalaking problema ay ang pagpapakasal saamin ni Ethan. I don't know if Ethan's doesn't have a single idea about this shit. Dahil may girlfriend siya, si Zafrah Gatmaitan. She met this girl 3 years ago, i saw how Ethan change because of this girl.

Nagseryoso, nagtino, at mas naging responsableng Alejandro na siya ngayon. I have a background info on Zaf's family. Simple lang, teacher ang kanyang ina sa pampublikong paaralan at company employee naman ang kanyang ama. Maganda, mabait, simple at matalino ang pagkakakilala ko kay Zafrah. Naisip kong makipagkita sakanya at sabihin ang plano ng aming pamilya ngunit wala ako sa posisyon. Alam kong hindi maiintindihan iyon ni Zafrah, mahirap tanggapin.

Hindi ko din alam kung iistorbohin ko ba si Ace o mananatiling tahimik nalang.

*Kringg...*

*Unknown number....*

"Hello?" sagot ko sa aking cellphone.

"Maggie!!!! I missed you so much!" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kabaling linya. It's Fia!

"Oh my God! Fia, i miss youuu. Where are you?" after graduation namin ay kaagad na lumipad papuntang China si Fia. Duon siya pinagtrabaho ng kanyang mga magulang dahil nanduon ang iba nilang business.

"I'm here at Tiagos, it's my welcome party and i'm expecting that you will come." excited niyang sabi at lumaki ang ngisi ko dahil gustong gusto ko ng mayakap ang bestfriend ko.

"Alright, then. I'll be there in 15 minutes." paalam ko.

"See you bestfriend!"

Nag ayos muna ako bago pumunta sa sinabing bar ni Fia. Malapit lang iyon dito sa aming village dahil nakapagparty na kami duon ng aking mga katrabaho pagkatapos naming maiclose ang deal sa malaking investor sa aming kumpanya.

"Where are you going?" nakataas ang isang kilay ni Ate Sasa nang naabutan ko siyang umiinom ng kape sa sala.

"It is Fia's come back party." Nilagpasan ko siya at biglang...

"Maggie, kung may relasyon man kayo ni Axcel ay mabuting pang itigil niyo na." Mariin niyang sinabi at kusang tumigil ang mga paa ko para harapin siya.


"May alam ba si Ethan tungkol dito?" Bigla siyang namutla at hindi makatingin sa aking mga mata.

"W-wala. He doesn't know anything pero sabi nila tito Francis at tita Ellen ay sila nang bahala." paliwanag niya.

"Ethan has a girlfriend. Zafrah Gatmaitan." Hindi alintana ang sinabi ko sakanya bagkus ay tumawa siya ng marahan.

"Kaya nga sila nakipagdeal dahil dun e. Ayaw nila sa girlfriend ni Ethan, tito Francis told us that girl is no good for Ethan because her parents are just an employees." humalukipkip siya at umusbong ang galit saaking dibdib.

"What's wrong about that? Marangal na nagtatrabaho ang parents ni niya. Zaf is her on last year in St. Andrew's, matalino siya at malayo ang mararating niya." mariin kong ipinaglaban ang meron ang mga Gatmaitan. Ngunit wala lang iyon sa Ate ko.

"You don't have any idea about the Alejandro's. They want partnership, money and everything. Hindi ganun kadali ang makisama sakanila. Hindi magtatagal ay mawawala din sa landas nila Tito Francis yang kinababaliwan ni Ethan." tinalikuran ko siya sa sobrang inis ko, hindi ko na kayang marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

Pagkalabas ko ng gate ay magpapakuha sana ako ng taxi sa guard namin dahil ayokong magdrive ng nakainom ngunit nakita ko ang porsche ni Ace na nakaparada sa harap ng aming mansyon. Nakahalukipkip siya at direstong nakatingin saakin.

"Ace.. A-anong gingawa mo dito?" utal kong tanong.

"Let's talk." walang anu-ano ay hinagkan niya ang aking pulso, pinagbuksan niya akong ng kanyang sasakyan atsaka siya nag drive palayo.

"I know everything, Maggie. I know about Tito Francis' plan. Your party will be held next week, right?" Umigting ang kanyang panga at sumulyap siya saakin. Tumango nalang ako, walang gustong lumabas na salita saaking bibig. Hindi ko siya pinaglaban, pinili ko ang kabutihan ng pamilya ko. I'm sorry Ace, i ain't brave enough to fight for our love.

Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. There's no way out, i'm sorry Axcel. Huminga siya ng malalim at itinigil niya ang sasakyan niya sa tabi.

"Baby, i won't let them take you away from me. I will fight for you, isusugal ko lahat para sayo. Now i want you to do the same for me." nanginginig ang kanyang boses. Trinaydor ako ng aking sariling luha. Umagos sila at nagpakawala ako ng hikbi.


"I-I'm sorry A-Ace... this all for my family. It is right thing to-"


"No baby, don't tell me what is right or wrong. Tama man o mali, i'll for this love. I want you to bear with me. Maggie, do you still love me that much?" nakita ko ang luha niyang kumawala sa mga malalim niya mata. It breaks my heart, big time.

"I do love you so much, Ace. Are you freaking kidding me with that freaking question, huh?" Hinagkan ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya ng mababaw. Napangiti siya at maging ako.

"Baby, swear to God i'm going to do everything to be with you again. Walang makakapigil saakin. Kahit na kalabanin ko pa ang pamilya ni Ethan, i will baby." Yinakap ko siya ng mahigpit.


Mahal ko ang pamilya ko at mahal ko din si Ace. Will i just runaway? Ngayon palang parang pinapapili na ako ng tadhana. Would it be my beloved family? or the man that i loved the most?

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon