Chapter 48: It's the School Player

116 4 0
                                    

"Ano ba yan Maggie. Wala kapang one year dito sa company, magreresign kana?" malungkot na sambit ni Jackie.

"Sorry guys, i just have too." nalulungkot ako, habang dinadampot ko ang bawat kagamitan mula sa aking desk. Kailangan ko nang magresign dahil ako na ang hahawak sa isang kumpanyang ibibigay saakin ni daddy. Sinunod ko na ang kanyang gusto at nakikita ko namang kakayanin ko nang hawakan ito dahil sa mga achievements ko sa kumpanyang pinasukan ko. Promotion lahat ng katapat ng aking pagsisipag sa trabaho.

"Kung tutuusin hindi na niya kailangang magtrabaho. She's engaged to Mr. Alejandro." ani Marion na siyang ikinagulat naming lahat. Hindi ko kasi binabanggit sakanila ang tungkol sa buhay pag ibig ko.

"Huh? yung magaling na businessman na nag invest sa company natin?" tanong ni Eric. Teka, bakit hindi ko alam ito?

"As in, Axcel Alejandro?" tanong din ni Celine.

"Exactly! Hindi mo alam na nag invest si Mr. Alejandro sa ating kumpanya Maggie dahil naging busy ka sa ibang projects at kami na nila Eric ang umasikaso nuon." lahad ni Marion.

"And how did you know that we're engaged?" Hindi ko na nagalaw ang mga kagamitan na inaayos ko dahil sa pagtataka at pagkabigla.

"Our company was invited last friday night. I was the one who attended the party, dahil ako ang naatasan ng CEO. I saw and wittnessed what happened there." malamig na sabi ni Marion.

Takang taka naman ang mga kasamahan namin sa pinagsasabi ni Marion kaya ipinaintindi ko sa kanila, bago ako umalis ng building ikwenento ko ang buong detalye. I asked them to keep it secret para hindi na kami pagpyestahan ng mga tabloid and they're all agreed to keep their mouth shut.

Pagkababa ko ng building dala ang mga gamit ko ay nag text si Ace.

Ace:

Lunch? Where are you? Susunduin kita.

Nagreply ako na mag meet nalang kami kung saan kami kakain dahil dala ko ang sasakyan ko.

Ace:

Okay baby, i'll meet you at Garden Dine.

"So, are you done collecting your stuffs at your office?" tanong ni Ace habang kumakain kami.

"Uh... yeah. Nasa car ko na lahat and by next week magstart na akong magtrabaho sa company na ibibigay sa akin ni daddy." tumaas ang kilay niya at binitawan ang mga kubyertos.

"You know baby, you don'y have to work. I can work for us and-"

"No Ace, it's for my dad. I'm going to do this for my dad." mariin kong wika. Bumuntong hininga siya at pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang table napkin.

"Fine baby. E kung next week na din kaya yung kasal natin?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at halos mailuwa ko ang kinakain ko.

"Ace!" sigaw ko at siyang ikinatawa niya.

"Ang cute mo pag nabibigla. But I'm serious about that. Kahit bukas, kayang kaya kitang pakasalan." mas humataw ang puso ko sa mga sinasabi niya. But i know in myself this isn't the time yet. We still need to focus on our companies and to wait for the perfect timing.

"I'll test your patience first Mr. Alejandro." I smirked at him. Tumalim ang titig niya sa akin at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Damn those eyes... sa akin lang yan Ace. I'm too selfish when it comes to you.

"Oh yeah? Give me 3 weeks to wait. That's my very best, my patience to give your satisfaction." humalakhak siya at umismid ako sa kanya. Seriously Ace?!

"Sorry baby, but I can't wait to wake up every morning with you. Gustong gusto ko nang palitan ang apelyido mo." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at nagwala ang mga paru-parong alaga niya sa loob ng tiyan ko. Parang may kung ano sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon