Time flies… so fast and yeah finals na!! Buti nung hell week ay nakapag aral na ako ng mabuti, puspusang review ang kailangan para mapasa ko lahat ng ito.
Tulad ng sabi ni Ace, siya ang naging service ko. Hatid sundo niya ako at mas lalo ko pa siyang nakikilala. Syempre hindi naman maiiwasan na pagbulung-bulungan kami pero wala namang nagtatangkang i-bully ako dahil alam nila na lalaban ako.
Natapos ko na ang tatlong exams ngayong umaga mamayang hapon ulit yung dalawa, 2 days lang finals pag tapos nun sembreak na. I still got no plans for the 3 weeks break.
"Besh! May offer saakin si Dad for the sembreak, tara mag Singapore tayo." for 3 weeks? siguro mabibitin ako.
"Uh.. Masyadong mabilis yung 3 weeks, paniguradong mabibitin tayo." at bigla naman siyang nalungkot.
"Yeah, you're right mag beach nalang tayo! Di ba may rest house kayo sa Anawangin Island?" tila kumikislap ang mga mata netong bestfriend ko. Matagal tagal na din pala akong di bumibisita dun.
"Sure! Sounds good! Pagkatapos ng finals byahe na tayo agad." bigla naman siyang pumalakpak sa sobrang saya.
"Waaahh, i'm so excited besh! Pero teka di naman yata pwedeng dalawa lang tayo no." apela niya.
"Odi isama natin yung mga high school friends natin!" sabi ko dahil nag iisip na siya kung sinong isasama.
"Trixie, Cass, Fille, Carlo and Ethan?" suggest niya. ETHAN? ETHAN? di naman ako makaapela dahil kaibigan namin to since high school. Pero parang naiilang kasi ako sakanya e.
"Uh… sure besh! Inform mo nalang sila." ngumisi ako sa masayang masayang chinese.
"How about 'YOUR' Player? Alam mo ba kung saan siya magbabakasyon?"
"Hmm, i don't know wala naman siyang binabanggit about that. Atsaka bat' ko pa aalamin?!" pagmamataray ko at ayun humaglpak na sa tawa si chekwa. Problema nito?!
"Whuut? Whuut are you laughin' at?" matigas kong pag ingles, ano ba naman kase! kairita tong bestfriend ko! Konti nalang masasabunutan ko na to.
"Stop acting like you don't care! Like duh?! i know you like that notorious Axcel Alejandro!"
"Fine, whatever biatch." inirapan ko siya kasi naman malakas mang asar tong isang to. Psshh! pero ayan siya walang awat sa pagtawa.
Natapos na ang buong araw and hell yeah! 1st day of finale, done! Hindi ko pa nakita si Ace sa buong maghapon. Pinag-half kasi ang class nung nag exam kami, alphabetically arrange. Alejandro siya Vizconde ako, anlayo diba? Magkabilang mundo.
Dahil na kay Ace yung sasakyan ko, hinihintay ko siyang ihatid ako.
"Maggie!" Ow em! its Ethan.
"Hi." ngisi ko.
"Di ka pa ba uuwi? Tara i'm gonna drive you home." Hala ano ba yan, paano si Ace? itetext ko nalang siguro siya.
"Uhm, okay sure." magdidilim na kasi at syempre paniguradong kukulitin ako netong isang to.
Papasok na ako sa sasakyan niya nang nakita ko yung Strada ni Ace. Binaba niya ang window at nakitang magkasama kami ni Ethan.
*Buzzz*
From: Ace Alejandro.
Naunahan yata ako? Anyway, just be safe.
Naguilty tuloy ako, dapat pala tumanggi na ako. Waaahh! Kaasar naman kase tong si Ethan parang kabute! Susulpot nalang basta basta!
"Oh Mags, do you have any plans for sembreak?" tanong niya at agad kong tinago ang phone ko.
"Uhh, pupunta kami nila Fia sa rest house namin. Sa Anawangin Island. Balak namin isama kayong mga high school friends, ikaw may plan ka na ba? Uhm.. kung meron na, it's okay."
"In your rest house? Sure! i'm always in! Basta kasama ka." sobrang ngisi naman netong si Ethan, saya saya niya. Lakas talaga ng tama saakin neto!
Nginitian ko lang at di na ako muling nagsalita. Iniisip ko kasi si Ace. Na guguilty naman ako. Nakadating na kami sa condo ko at nagpaalam na saakin si Ethan.
"Thanks for the ride. " kumaway ako.
"You're always welcome, beautiful." Medyo bad boy..
Pagdating ko ng unit ko, may nag doorbell agad. May naiwan ba ako sa car ni Ethan?
Pagkabukas ko ng pintuan ang notorious School Player ang nasa harapan ko. Walang ekspresyon ang mukha niya. Hindi maipinta.
"Can i get inside?" malamig niyang sabi at pinapasok ko siya. Mukhang galit, dahil hinatid ako ni Ethan.
"Uhh, may kelangan ka ba?" awkward naman, umupo siya sa couch ko at ako naman nangangatog ang mga paa ko habang nakatayo sa harap niya.
"Sama ka saakin sa sembreak." hinila niya ako papunta saknya kaya naman napaupo ako habang nakayakap siya saakin at sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"H-ha? saan naman tayo pupunta?" uminit ang pisngi ko at nauutal utal nako grabe. Angbago niya, nakakalasing gusto ko dito nalang ako foreverrrr! At ang katawan niya, triceps, biceps and his chest, PERFECT!
"Out of the country? Where do you wanna go? Europe? States? tour tayo dito sa Asia, what?" Nasabi ko na bang mayaman talaga tong player na to? Paano ba naman parehong negosyante ang mga magulang niya. Magaling at sikat pagdating sa business world, sikat hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
"M-meron na kasi kaming plan ni Fia, with our high school friends. Sa rest house namin sa Anawangin island. Gusto mo bang sumama?"
"I guess, kasama si Ethan diyan." pinaayos niya ako ng upo at halata sa boses niya ang dismaya kaya naman tumango nalang ako at ngumisi siya.
"Well, i hope you're going to enjoy your semester break." tumayo siya at aambang uuwi na.
"Ah.. eh, pwede ka namang sumama e. Pwedeng pwede Ace!"
"I'll think about it. Gusto ko kasi quality time, just you and me." at tuluyan na siyang lumabas sa unit ko.
Kainis naman o. Gusto din naman kitang makasama Ace, yung tayong dalawa lang..