Chapter 36: End this

107 5 0
                                    

Bumilis ang mga araw at natapos na ang hell week but HELL!! Wala pa ding Axcel Shawn Alejandro ang nagpapakita saakin! Mababasag na ulo ko sa kakaisip ko sakanya. Ubos na ubos na din ang mga neurons ko!

Nasa mall ako ngayon at dahil saturday naman at kakatapos ng hell week kelangan ko ng pamper day. Pero hindi padin mawala sa isip ko si Ace, ano ba ito. Hindi ko talaga siya macontact! Hayy nakuu! ano na kayang nangyare sa gwapo kong boyfriend?!

Natapos na akong magshopping, magpa salon, magpa-spa at lahat lahat na. At eto uuwi nanaman akong wala kabali-balita kay Ace. Nasa loob na ako ng sasakyan ko at muli kong tinignan ang cellphone mo pero wala padin ang pangalan niya doon kaya naman mas nalulungkot ako. Inabot na ako ng dilim sa kalsada at naabutan din ako ng traffic nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Calling.. Ace Alejandro..

OH MY!!

"Hello, Ace?! Where are you? What's happening?" aligaga kong tanong dahil miss na miss ko na siya! Damn!

"Meet me at my condo, Maggie. We need to talk." malamig niyang sabi atsaka tumindig ang mga balahibo ko. Gosh, ano ba ang nangyayari sakanya?

"O-okay. I'm on my way." mahina kong sabi dahil kinakabahan ako.

After 10 mins ay nakarating na ako sa tapat ng unit niya. Mag dodoorbell na sana ako nang binuksan niya na agad ang pinto. Yinakap niya ako agad at ibinalik ko din naman sakanya iyon. Shit, i missed his warm hugs and his scent. I missed this man!

"Care to explain Mr. Alejandro?" kumalas ako sa yakap niya. Hinila niya ako papasok ng unit niya atsaka kami umupo sa couch niya para mag usap.

"Mags, I'm sorry." panimula niya na siyang ikinawindang ko.

"Do we have a problem here, Ace?" takang taka kong tanong. He breathed heavily saka siya nag salitang muli..

"I'm sorry dahil hindi ako nagpakita ng isang linggo." Napatingin siya sa sahig na parang angbigat ng kasalanan niya.

"That's it? Kaya naman kitang intindihin kahit ano pa yan Ace." hinawakan ko ang pisngi niya atsaka niya hinawakan ang kamay ko.

"We need to end this, Maggie." suddenly i froze, wait a minute. Tama ba ang narinig ko?

"What Ace? I-i don't understand." i said hysterically. Gosh! What on earth is happening!!

"Break na tayo, Maggie. I know, i'm idiot and i'm sorry." hindi ko na namalayan na bumuhos na ang luha ko at kinuha ko pabalik ang kamay ko mula sakanya.

"Bakit, Ace?! Hindi pwedeng ganun ganun lang! Hindi mo ba ako mahal?" humagulgol na ko, ansakit! Bakit ganito?

"For pete's sake! I love you so much! I love you more than my life, Maggie. I just have to end this." Napatayo ako sa kinauupuan ko at alam ko si Ate Sasa nanaman ang may pakana nito.

"No, Ace. I know my sister is the reason behind all of these." tumakbo ako palabas ng unit niya at huminto ako malapit sa elevator. Hindi niya ako sinundan. Mas lalong sumikip ang dibdib ako at mas humagulgol pa ako.

I need to face my family.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon