Hindi ko na alam kung saang lugar na ako napadpad basta ang gusto ko lang ay makalayo sakanila, gusto ko nang umuwi. Buti naidala ko pa ang cellphone ko.
"He-hello F-fia *sobs*."
"Maggie! Are you okay?! OMG! Where are you?! andito na ako sa resort! Susunduin na kita!" tarantang sabi ni Fia.
"Hindi ko *sobs* alam kung saan to. *sobs* basta tumakbo ako palayo sa restaurant. *sobs* Gusto ko na umuwi Fia." humagulgol na naman ako habang naglalakad pabalik sa hotel. Angbigat ng nararamdaman ko.
"Shh, stop crying Mags. Keep calm. Bumalik kana dito sa hotel. Nakaayos na ang lahat. Uuwi na tayo, aryt?"
"O-okay." i said between my sobs.
Angdaming tanong na namumuo ulit sa isipan ko, lahat ba ng mga sinasabi ni Ace saakin ay kasinungalingan? Hindi ko sila maintindihan. Basta ang gusto ko lang ngayon ay umuwi, magpahinga. Ayoko muna silang makita ni Ethan.
Ilang sandali pa ay nakita ko kaagad si Fia kasama si Ethan sa labas ng hotel.
"C'mon Fia, let's go home." malamig kong sabi.
"Wait Maggie! I can explain!" hinila ni Ethan ang braso ko pero nabawi ko naman agad ito.
"Enough Ethan! Ayokong makinig sa mga explanation niyo! Tantanan niyo muna ako, okay?!" natigil naman si Ethan.
"Niloloko ka lang ni Ace, believe me Maggie! Ego trip niya lang ang lahat ng ito!"
"I said stop it!! I don't care kung ano man yan! Stay away from me!!" at tumakbo na ako papunta sa sasakyan ni Fia.
Habang tumatakbo ako ay biglang may humablot saakin mula sa side ko kaya natigilan ako.
"Ace!" muli na namang bumuhos ang luha ko.
"Maggie, listen!" ikinulong niya ako sa yakap niya.
"Hindi ego trip ang lahat. Mahal kita Maggie, nagkaroon man ng kasalanan saakin si Ethan nuon pero i didn't seek revenge to him. We all know he's obsess with you, kilala ko yang pinsan ko. Sutil, lahat gagawin niya." paliwanag niya. Nalulunod ako sa yakap niya ngunit sinubukan kong magpumiglas.
"Ace, gusto ko nang umuwi." humagulgol ako at mas humigpit ang yakap niya.
"Shhh shh. I'll drive you home sweetie." hinaplos niya ng marahan ang ulo ko.
"No need Ace, i'm with Fia." pinakawalan niya ako sa mainit niyang yakap sabay pinunasan ang mga mata ko.
"Don't cry beautiful. Just trust me, everything will be fine. Ipapaintindi ko sayo to lahat kapag handa kanang makinig." nginitian niya ako pero bakas pa din sa mga mata niya ang lungkot. Should i trust him?
Paano niya nagagawa ito? Angsama ng loob ko sakanya pero sa mga mahigpit na yakap at matatamis niyang ngiti nawawala lahat ng yun. Am i falling with him?
Saktong dumating si Fia, hinila niya na ako palayo kay Ace. Sumakay na kami sa sasakyan at pinaharurot niya agad ito. Tahimik lang ako habang si Fia tumatalak talak na naman. Parang sobrang napagod ako sa kakaiyak kaya naramdaman ko ang antok atsaka ako nakatulog.