Chapter 42: His stupid ways

127 4 0
                                    

Damn that Alejandro!! I can't sleep because of what he said earlier. Naku! May trabaho pa naman ako bukas at hindi ako pwedeng ma-late! Alas onse na ng gabi at ayaw pang matulog ng sistema ko. Pinipilit kong pumikit pero maya-maya ay bumubuklat silang muli, what's wrong with my eyes?! Halos sapakin ko na ang sarili ko makatulog lang ako. Alas otso pa naman ng umaga ang pasok ko pero syempre i need a full energy para sa trabaho. Ngayon ko lang na realize na hindi pala talaga biro ang magtrabaho and at the same time you need to love what you are doing.

Pumasok ako ng opisina na sobrang bangag. Bangag na bangag!! "Goodmorning, Maggie! I think you need coffee. Ipagtitimpla kita." sabi ni Marion habang tumatawa.

"Yes, please. Thanks Marion." wala sa sarili kong sinabi at sininandal ko ang ulo ko sa swivel chair ko. Naririnig ko naman ang mga bahagyang tawa nina Jackie at Celine, si Eric naman at ibang kasamahan sa building na ito ay busy na sakanilang mga trabaho.

"Girl, you alright?" nangingising tanong ni Celine habang humihigop ng mainit na kape.

"A-ah, yes. Puyat lang.." sabay hikab at unat sa aking mga braso. Tumayo ako at tumalon ng tatlong beses para magising kahit papaano ang diwa ko.

"Here you go, Maggie." Inilahad ni Marion ang kape at agad ko naman iyon kinuha. "Thank you." nginitian ko siya ganoon din ang isinukli niya. Gwapo din naman tong si Marion, may katamtamang laki ng pangagatawan, he has an angelic face. Brown hair at maputi. I wonder kung may girlfriend ang isang to, infairness sakanya gentleman siya. Siya kasi ang tumutulong saakin sa mga trabaho ko at minsan siya na din nagliligpit ng mga kalat ko.

Dalawang linggo ang nakalipas at mas lalo kaming naging busy. Natambak ang mga paperworks, pag le-lay-out at kung ano ano pa. Sabi kasi ay may malaking event sa kumpanyang ito at ilulunsad sa susunod na buwan. May mga big boss na dadating at mag iinvest sa company na ito.

Sa pagiging busy ko ay nalilimutan ko na kahit papaano na nandito na si Ace sa Pilipinas. Wala akong pakielam sakanya kung anong ginagawa niya sa buhay niya.

"Maggie, tara lunch muna tayo." aya ni Marion, tumingin ako sa wrist watch ko at pasado ala una na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagle-lay-out ko.

"Ahh, sure. Celine, Jack and Eric kumain na ba kayo?" tanong ko sakanila at tanging si Jackie lang ang sumagot dahil naka focus ang dalawa sa kanilang ginagawa.

"Yep! Inaaya ka namin kanina e kaya lang hindi mo yata napansin dahil tutok ka sa monitor mo." napangiwi ako, nakaramdam ng hiya.

"Ah-eh, sorry." kamot ko sa ulo ko at nag peace sign.

"Okay lang, Maggie! Tsaka baka kasi masira namin diskarte ni Marion." sabay thumbs up ni Eric at natawa naman ang dalawang babeng magkatabi.

Nangunot ang noo ko at bumaling sa namumulang si Marion. "Nako, kayo talaga mga pilyo. Halika na, Marion bumili na tayo ng pagkain. Time is running."

Nag order kami ng lunch sa baba at umakyat rin kami kaagad sa 12th floor, sa table ko kami kumain ni Marion. Biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang nagtext.

Unknown number:

Starting tomorrow, i'll cook for your lunch. You don't need to eat with that freaking guy! -Axcel Alejandro.

Aba! leche de puta tong lalaking ito! Umigting ang bagang ko at tumigil ako sa pagkain. Paano niya nalaman ang mga ginagawa ko? walang hiya. Sumulyap ako sa paligid ko at busy na nagtratrabaho ang mga tao. Tsaka wala namang Axcel Alejandro ang nasa building na ito.

Me:

Who are you para utusan mo ako?! Paano mo alam ang bawat galaw ko? Are you stalking me?! At isa pa, i also don't need your food. Manigas ka!!

"Sinong katext mo?" takang taka at nakakunot ang noo ni Marion.

"Ahh, wala yung aso ko nagtetext na naman saakin." Ngumiti ako at mas lalong kumunot ang noo niya at binitawan ang mga kubyertos.

"You're dog texting you?" nangangapa ako ng sasabihin. Sinabi ko yun? Inggrata ka Margarita!!

"Oh, i mean yung epal kong kaklase nuong college ako. I'm sorry, shall we continue or food?" lumiwanag ang mukha niya sa paliwanag ko. Bwisit na Ace kasi yan! Pinilit kong ubusin ang pagkain ko kahit nawalan ako ng gana sa text ni Ace kanina. Somehow, i like to try his cook. Siya ba talaga ang magluluto o ipapaluto niya lang?

Hapon palang at parang gabing gabi na. Dahil sa sama ng panahon at lakas ng ulan, may kasama pang lakas ng hangin at kidlat ay tila may bagyo. "Nakuu! Anlakas naman ng ulan. Nakakatakot tuloy lumabas!" sabi ni Celine sabay kuha ng scarf niya. Naramdaman ko din ang lamig at may iniabot naman saakin si Marion na kulay itim na jacket.

"Wear this. Malamig at manipis yang suot mo." napaka gentleman, naramdaman kong namula ang magkabilaang pisngi ko sa asal niya.

"Uy, wag na! nakakahiya, atsaka anong isusuot mo? Alam ko nilalamig ka din." Angal ko at ibinabalik ko sakanya.

"No, Maggie. Its okay, just wear it and i'll be fine." ngiti niya at tumango nalang ako. Why so gentleman, Marion? Sinunod ko nalang siya at naamoy ang halimuyak ng jacket niya, napakabango. Nakakalunod sa bango.

Pababa na kami nila Marion and friends mula sa aming palapag na pinagtratrabahuan, hindi pa din tumitila ang ulan at nagpatawag na lang kami sa security guard ng taxi. Nang nag aabang kami ay nakita kong sumulpot from nowhere and Audi Porsche ni Ace. This demon won't stop bothering me!!!

Lumabas siya sakanyang magarang sasakyan ng naisilong niya ito pero hindi niya pa din pinapatay ang makina. Lumapit siya saakin at marahas na tinanggal ang jacket na suot ko.

"What the fucking fuck?!" malutong na mura ko at halos lumuwa ang mga mata ko. Inihagis niya iyon pabalik kay Marion, aamba na sana siya sapakin si Ace ngunit pinigilan siya ni Eric.

"Why are you wearing that dirty jacket?" malamig niyang tanong at matalim ang tingin saamin ng mga kasamahan ko. Kita kong napaawang ang bibig nina Jackie at Celine.

"Wala kang pa--" hindi ko na natapos ang linya ko ng hinubad niya ang leather jacket niya at isinuot iyon saakin.

"There you go, wear this instead of that trash.. Let's go." maawtoridad niyang sabi, hinablot niya ang kamay ko at pinasakay niya ako sakanyang sasakyan. Biglang bigla ako sa mga kagaguhang ginawa niya kaya wala na akong nagawa kundi magpatianod sakanya..

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon