Nang sumapit ang Sabado ay ipinilipat ni mommy at daddy ang mga gamit ko mula sa condo. It feels good to be back, sabi nga nila, there's no place like home.
"Maggie, come." tawag ni daddy saakin habang komportable siyang nakaupo, uniinom ng kape at nanunuod ng T.V sa grandeng sala namin.
"Why dad?" kinusot ko ang mga mata ko dahil kagigising ko lang.
"Let's talk." i sat beside him while he's slowly drinking his hot coffee.
"How are you with Sasa?"
"We're..uhm, fine" pagsisinungaling ko.
"Don't lie to me, Maggie. I know you and Sasa. Ama ninyo ako, i can feel whether there's something wrong between you and her." i sighed and looked away.
"Yeah dad, I don't think Ate Sasa came back for good." Inilapag niya ang kanyang kape at nilingon ako.
"She was just concern about you, anak. I know your Ate Sasa, she just wants the best for you." Untag ni daddy.
Hindi ako umimik at hinayaan ko nalang magsalit si daddy. "Anak, your mom and I, don't want to see na may bangayan kayo ng Ate mo. You and Sasa should fix that misunderstanding." bigla namang bumukas ang double doors ng aming tahanan at nakita ko kaagad si Ate Sasa.
"Hi dad!" lumapit siya kay daddy at bineso niya. Tinitignan ko lang siya at bigla namang nag alab ang mga mata ko.
"Hello, my dearest sister." she spat out and i can see her evil smile. Hindi nalang ako sumagot at umupo siya sa kabilang side ng couch.
"What now dad? Bakit niyo po ako pinatawag?" hindi padin nawawala sa labi niya ang ngisi niya.
"You and Maggie should fix a mess." kinuha ulit ni daddy ang kape niya atsaka humigop.
"What are you talking dad? We're fine, right Mags?" lumaki ang ngisi niya at umirap nalang ako. Tss, my sister's ego tripping!
"I know what happened Sasa. Ayaw namin ng mommy niyo na may samaan kayo ng loob. You are the eldest, matalino ka at napapatakbo mo ng maayos ang kumpanyang ipinamana namin sayo. You've been a tough woman since Drew left you. Just forget the past. Let go of your heartaches." nawala ang ngisi ni Ate Sasa sa labi niya dahil sa mga sinabi ni daddy at ako naman ay napaawang ang bibig ko dahil duon.
"I'm okay now, dad. Don't worry about me. I'm just worried about my little sister." sinabi niya ng seryoso.
"Huh? Really Ate?" sarkastiko kong sabat.
"I'm sorry, Maggie. Yes, i made mistakes. I care for you because you're my sister." wala akong makitang sinseridad sa mga mata niya.
"Fine, can i go to my room now?" tumango naman si daddy. Nagsimula na akong maglakad palayo sakanila at nakasalubong ko si mommy sa hagdan.
"You alright baby?" haplos ni mommy sa buhok ko.
"Yes mom, maliligo lang po ako." Tipid kong ngiti atsaka nakita ko sa mga mata ni mommy ang pag aalala. Nang natapos akong maligo ay dinial ko ang number ni Ace pero out of coverage. Naisipan ko magpunta sa bahay nila para ipaintindi sakanya na huwag niyang susundin ang utos ng ate ko.
"Where are you going?" tanong ni Ate Sasa dahil nakasalubong ko siya sa labas ng aming mansyon.
"Sa bahay nila Ace, kakausapin ko siya na huwag maniniwala sa mga kalokohan mo." matapang kong sagot.
"Ngayon pa? He just left the country last week. Sabi ko naman sayo, katulad lang siya ng kuya niya." bigla akong nanlamig, my knees are trembling kasabay ng pag guho ng mundo ko. Bumuhos ang luha ko ng siyang ikinabigla ni Ate Sasa.
"I hate you so much, Alyssa! Anong ginawa ko para gawin mo saakin ito?!" sigaw ko at humalukipkip siya.
"Hindi mo kilala ang mga magkakapatid na Alejandro! Ang importante lang sakanila ay ang business nila. They won't bother for love, anyway!"
"No, hindi totoo yan! Pupunta ako kila Ace!" marahas kong sabat at tumakbo ako kaagad sa garage. Pinatakbo ko ng matulin ang sasakyan ko at tinahak ang bahay ng mga Alejandro.
"No Ace, you can't just leave me. No.. No.." bulong ko ng nakadating na ako sa labas ng gate nila.
Pinapasok naman ako kaagad ng security guard nila at sinalubong ako ni Cassy.
"Cassy, where's Ace?" aligaga kong tanong. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya mag salita.
"H-he just left with mom and Andrew, last week... They go to Canada.." bumuhos ulit ang luha ko at ayokong maniwala sa kahibangan na ito.
"No, Cassy. Alam ko hindi niya ako iiwan. No, ilabas niyo na siya Cassy please. I'm begging you." humagulgol ako at parang sinasaksak ng sampung beses ang puso ko.
"I'm sorry, Maggie. All i can say for now is.. he left for your own sake. He left a note for you. Here, take it.." Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot at may binigay siyang note saakin.
Maggie, wait for me. I'll be back as soon as possible and i need your 100% trust. Trust me, i love you.
- Axcel.
"I'm really sorry Maggie." sabay yuko ni Cassy. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Pakiramdam ko mamaya lang ay mawawalan na ako ng malay.
Why Ace? WHY!?