Nang gabing iyon ay hindi na ako nagpunta sa party ni Fia. I texted her at nagrequest na magkita nalang kami some other time para magkaroon kami ng quality time. I spent my night with my man, we went star gazing. We cherished every moment dahil sobra naming namiss ang isa't isa.
Ace:
What are your plans for today?
Bumuntong hininga ako dahil these past few days i refuse to meet him. Nahihiya ako dahil hindi ko siya naipaglaban sa pamilya ko. I chose them it is the right way, isn't it? Pero hindi ba pwedeng sila pareho dahil mahal ko naman sila?
Ako:
Yeah, i'll meet Fia today.
Bumaba ako ng sasakyan ko pagkatapos kong magpark dahil sabi ni Fia ay magshoshopping daw kami. Tumunog ang phone ko and i know it's Ace.
Ace:
I miss you, the party will be held for the next two days but don't stress yourself about that stupid event.
Napangisi ako, alam ko may pinaplano ang isang to. He's too smart to provide things. Alejandro ang nananalaytay sa dugo at ugat niya, he's a good business man too."
"Beshie!! I missed you! Omg, i heard you're a working girl." sinalubong ako ng mainit at mahigpit na yakap ni Fia. Damn... it's been a year. Naging busy kami sa mga buhay buhay namin. Hindi ko namalayan na bumalik na pala siya dito sa Pinas. I missed this Chinese.
"Mas namiss kita Fia. Anglaki ng pinagbago. You look hotter than before." kinindatan ko siya at umikot siya para ipakita ang backless long sleeves dress niya. Mas gumanda ang bestfriend ko.
"I know right!" tumawa siya with poise.
"So, how's life besh? Huli na ba ako sa mga balita?" habang nagshoshopping kami sa F21 ay ikenwento ko sakanya ang lahat. Even the 'fix marriage thing'. Laking gulat niya dahil sa stupid party na gaganapin na sa lunes. It's saturday today and it's my day off.
"How are you with Ace?" Bigla niyang naitanong.
"I didn't fight for him, I chose my family. Why is it really hard to decide, when you actually love the both sides? Pupwede namang piliin pareho, diba?" Sabi ko habang naglalakad kami papuntang H&M.
"You know sometimes, you need to fight for your happiness. Hindi ibig sabihin pag tama ang dapat mong piliin ay sasaya kana. It's your life, no one could manipulate it. Saan ka ba, sa tama pero hindi mo ikasasaya? o sa pinaglaban mo dahil dun ka sasaya?" Nagtingin siya ng mga damit at iniwan ako saglit. It blowed me away for a minute. I should fight for my Ace like what he did for me.
Kapag pinili ko siya ay maiintindihan naman ako nila daddy at ate Sasa besides mommy is infavor about this fix marriage. Naniniwala din ako na hindi papayag si Ethan dito, nakikita ko sa mga mata niya na mahal niya si Zafrah. Like Ace, mas pipiliin niyang kalabanin ang pamilya niya para lang sa minamahal niya. It all sinked in to me, ako nalang pala ang hinihintay na itaya lahat ng baraha ko. I need to fight, it's now or never.
Dumating ang gabi ng kadiliman. The party will start at 9 pm. The venue is all set, inaayusan na ako at panay ang tingin ko sa aking phone. Damn Ace, where the hell are you. Pumasok si mommy sa dressing room kung saan ako inaayusan at kita sa mga mata niya ang lungkot.
"Maggie anak, you could just runaway. You don't have to do this." hinaplos niya ang aking buhok. Umiling ako, alam ko may pinaplano si Ace sa gabing ito. Hindi man niya binanggit pero nararamdaman ko.
"Mom, don't worry Ace will never let me to marry Ethan." ikinabigla ni mommy ang sinabi ko.
"You tell me, ano ang pinaplano niyo?" umupo siya sa tabi ko. Maging ako ay hindi ko alam kung anong plano niya. I trust him, i trust his words.
